Renz POV
Simula nung umuwi ako kahapon hindi ko na pinapansin si rain. Pagbintangan ka pa naman na gumagawa ng kwento at ang masakit pa ay ang hindi ka paniwalaan ng sarili mong kapatid.Nandito kami ngayon sa dinning kumakain nang umagahan kasama sila mommy kaninang madaling araw lang sila umuwi.
"Oh kamusta pala yung bakasyon nyo?" pangangamusta ni mommy samin
"Okay naman po" simpleng sagot ko
"Masaya naman ba kayo?" si daddy naman ang nagtanong
"Oo naman po" ngumiti ako nang pilit kailangan ko humarap sa kanila nang maayos
"Ikaw Rain masaya ba yung bakasyon mo?" baling ni daddy sa katabi ko
"Huh? Ah opo" wala sa sariling sagot ni rain
"Buti hindi ka inatake ng asthma mo" tanong naman ni mommy sa kanya
"Medyo lang po" tumingin si rain sakin pero hindi ko sya pinansin
"Oh bakit anong nangyare?" pag-aalala naman ni daddy sa kanya
"Napagod lang po" sagot naman nya
"Renz bakit mo naman pinabayaan mapagod kapatid mo?" sermon sakin ni daddy hindi naman sya galit
"Hindi po ako pinabayaan ni kuya alagang alaga nga po nya ako. Masyado lang po akong nag-enjoy kaya po ako napagod" paliwanag naman ni rain, sya na ang sumagot pag ako kasi baka may masabi akong hindi dapat sabihin
"Totoo ba yun Renz?" tanong naman sakin ni daddy
"O-opo" kahit gusto ko sabihin ang nangyare hindi pwede ayoko pa rin naman silang bumalik sa america agad
"Mabuti kung ganun. Kamusta naman yung anu mo Rain hindi ba sumakit?" pagtatago ni daddy sa sakit ng puso ni rain
"Yung puso nya po, alam ko na po ang lahat" halatang nagulat sila sa sinabi ko dahil napatigil sila sa pagkain
"P-papaano mo nalaman?" gulat na tanong ni mommy sakin
"M-may nangyare ba sa baguio kaya mo nalaman?" tanong naman ni daddy, alam nya talaga pag may nangyare sa kapatid ko
"W-wala naman po sinabi ko lang po kay kuya" paliwanag agad ni rain na nakatingin sa plato nya
"Nakita ko po kasi na madami syang dala at iniinom na gamot" pero hindi ako nakatingin sa kanila tuloy tuloy pa rin ako sa pagkain
"Pasensya na kung hindi namin sinabi sayo, ayaw lang ng kapatid mo na pati ikaw ay mag-alala pa" paghingi nang tawad ni daddy sakin
"Okay lang po tapos na po yun" hindi pa rin ako tumitingin sa kanila, kumakain lang ako
"Salamat at naintindihan mo kami" alam kong nakangiti si mommy ngayon habang nakatingin sakin
Tumingin ako sa kanila at ngumiti tapos balik na ulit sa pagkain.
"Kamusta naman kayo dito sa bahay pag-uwi nyo?" pag-iiba ni mommy nang usapan
"O-okay naman po" si rain na ang sumagot dahil wala naman talaga akong balak na sumagot
"Mom, dad aalis po pala ako ngayon" pagpapaalam ko sa kanila
"Saan ka naman pupunta?" tanong sakin ni daddy
"Sa mall po kasama yung barkada mamimili po ng gamit para sa school" magalang na sagot ko kay daddy
"Oo nga pala magpapasukan na, sige bigyan kita nang pambili mo ng gamit mamaya pag-aalis ka na" pagpayag ni daddy
BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
FanfictionHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...