LVI: Ang kababata

100 4 3
                                    

Ilang linggo na napapansin ng barkada na lagi na lang may pasa o sugat si red. Isang beses tinanong nila kung bakit sya merong pasa ang sagot lang nya ay wala.

Katatapos lang magbasketball ng magkakaibigan.

"RED!" pagtawag ni bob sa kanya

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni renz sa kanya

"Bakit may sugat ka na naman?" tanong ni jacob sa kanya na tinitignan pa yung gilid ng mukha nya

"Wala yan" simpleng sagot ni red sa mga kaibigan nya

"Gamutin na natin yan" nag-aalalang saad ni franz

"Hindi na, Okay lang ako" pagtanggi ni red sa kanya

"Sigurado ka ba?" pag-aalala naman ni clark

Ngumiti lang si red sa kanila.

"Sige una na ako" paalam ni red sa kanila

"Sige ingat ka!" wala na rin nagawa si renz kundi pabayaan sya

Umalis na si red.

"Guys kailangan natin tulungan si Red" hindi na talaga kaya ni renz makitang ganyan ang kaibigan

"Pero pano?" tanong ni bob sa kanya

"Sundan kaya natin sya para malaman natin" mungkahi ni franz sa mga kaibigan

"Sige magandang idea yan" pagsang-ayon sa kanya ni renz

"Tara na!" aya ni bob

Sinundan nga nila si red. Nakarating sila sa field at nakita nila na hinarang ni arvin si red at may kasama pa itong apat na lalaki.

"Bakit kaya nila hinarang si Red?" pagtataka ni jacob

"We have no idea!" sagot ni renz sa kaibigan

"Diba yun yung binugbog natin nung isang araw" pagkakaalala ni clark

"Oo dun sa labas ng garden" pagsang-ayon ni bob sa kanya

"Oo sila nga yun" sagot ni renz

Nakita nila na inutusan ni arvin na hawakan si red, pagkahawak sa kanya unang suntok ni arvin pinagmasdan lang nila pero ng sinimulan na ni arvin pagsusuntukin si red ay napasugod na yung boys kaya imbis na awatin nila nauwi sila sa gulo.

..

..

Ang girls naman ay nasa cafeteria kumakain habang nagkukwentuhan.

"Ano kaya nangyayare kay Red?" nag-aalalang tanong ni sheng sa mga kaibigan

"Huh? Bakit po?" naguguluhang tanong naman ni rain dahil wala syang kaalam alam sa nangyayare kay red

"Oo nga pala hindi nyo nakikita si Red" pagkaalala ni lhean dahil madalas na hindi na ito sumasama sa kanila

"Ako nakikita ko sya" sagot ni jai

"Anp po bang meron?" galit si rain pero nandun pa rin yung pag-aalala nya kay red

"Lagi na lang sya may pasa" sagot ni sheng

"Hindi lang pasa minsan sugat pa" dugtong ni jai

"Pagpumapasok lagi syang may pasa at sugat" may awa sa boses ni joyce para sa kaibigan

"Talaga po?" hindi makapaniwala si rain sa mga narinig

"Oo ilang linggo na rin namin napapansin yun" paliwanag ni joyce sa kanya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon