XVI: Damoves

111 3 0
                                    

Sheng POV
Pagkaalis ng boys nag-usap usap kaming girls dito sa kwarto tungkol sa kalokohan na ginawa ng boys kanina pero mahina lang ang mga boses namin baka kasi magising si rain.

"Loko loko yun si Red" natatawang sabi ni joyce sa ginawa ni red kanina

"Nahawa na kila Jacob" napailing na lang ako sa kalokohan nila

"Pero naka-ninja moves sya dun" nakangiting sabi naman ni lhean

"One point for Red" biro naman ni dean

Nagtawanan kami pwera lang kay joyce na nagtataka.

"One point?... Bakit may gusto ba si Red kay Rain?" takang tanong ni joyce samin, ang bilis nya talagang makahalata

"Wala daw pero crush nya lang daw, pag hanga daw" paliwanag ko sa kanya, yun naman talaga kasi ang sinabi samin ni red

"Seryoso?" hindi makapaniwalang tanong ni joyce samin na nakangiti

"Oo nakainterview kasi namin sya kahapon" kwento ni lhean sa kanya

"Tapos tinanong namin kung may gusto sya kay Rain pero ang sabi nya crush lang paghanga daw" kwento ko naman pero iba yung kislap ng mata nya kahapon nang aminin nya samin yun

"Talaga hahahah kaya pala lagi syang kasama ni Rain" nakangiting sabi ni joyce habang tumatango tango

"Tsaka nakikita namin na masaya si Rain pagkasama nya si Red" yun ang napansin namin sa kanila nitong mga nakaraang araw na magkakasama kami

"Pero wrong timing may girlfriend sya at may boyfriend naman si Rain" panghihinayang ni dean sa dalawa

"Kaya nga eh bagay pa naman silang dalawa" pag-i-imagine ni lhean na nakatingin pa sa kawalan

"Kaya pala tuwang tuwa yung mga boys kanina sa ginawa ni Red" napailing na lang si joyce nang maalala yung ginawa nung mga boys kanina

"Mga loko loko nga pinagkaisahan nila si Red" natatawang saad ko

"Kaya pala hindi kayo umaangal kung bakit ginawa ni Red yun kasi may alam kayo" masungit na sermon samin ni joyce, naka-ate mode sya hahahah

"Pero nabigla din kami sa ginawa nya kanina" depensa ko agad, minsan kasi may pagka-renz din ang pinsan kong ito

"Tapos si Renz kung makareact daig ba yung boyfriend hahahaha" pagbibiro ni lhean

"Alam mo naman yun protective kuya" natatawang sabi ni joyce

"Alagang alaga talaga ni Renz ang kapatid nya" nakangiting sabi ni dean habang nakatingin kay rain na natutulog

"Sinabi nyo pa" pagsang-ayon ko sa kanila, pag tungkol talaga kay rain ang usapan hindi hahayaan masaktan ni renz ang kapatid nya kahit naman kami ganun din kay rain

"Pero ang bilis ng araw noh, bukas uuwi na tayo, parang kahapon lang tayo pumunta dito" nakasimangot na sabi ni lhean na kinalungkot namin lahat

"Ang bilis talaga, magpapasukan na naman" mas kinalungkot namin dahil alam namin na may tiyansang umalis na naman si rain

"Si Rain ba sa school natin mag-aaral o babalik sya sa america?" malungkot na tanong samin ni dean

"Hindi ko alam wala naman syang nababanggit tungkol dyan" sagot ni joyce na nakatingin kay rain

"Sana dun ulit sya mag-aral nakakamiss na din kasi yung may makulit pag break time" para buo na rin kaming barkada, tumingin din ako kay rain na mahimbing ang tulog

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon