LXXXI: Blackmail (Part2)

93 3 0
                                    

Red POV
Tatlong araw na ang nakalipas yung may masamang nangyari kila joyce. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko nun gusto ko sabihin sa kanila pero hindi ko magawa baka ikapahamak nilang lahat.

Sabado ngayon at nagplano sila na magkita kita sa pavillion, napapadalas na ang pagpunta namin dito simula nung naging kami ni rain.

Naging parte na siguro ng daily habits namin na magpunta sa pavillion pag weekend dahil nakakapagbonding kami ng maayos na parang nasa bahay lang.

Nauna na akong pumunta sa pavillion, pagdating ko dun may nakita na naman akong box, napapikit ako at huminga nang malalim, pagbukas ko may kutsilyo na nakalagay totoong kutsilyo na may dugo, may picture nila jacob, franz at clark, may kasama pa ding sulat.

Dear Red.
Nakita mo ba yung nangyare sa magpinsan sobrang natakot sila, sarap nga nilang panoorin na nag-iisip nang kung anu-ano may pagkamatalino talaga sila dahil naisip nila na yung mga dati nilang nabully ang nasisi kawawa naman ang mga yun nanahimik na nasisi pa bigla.

Level 2 na ng laro natin, gulat ka ba lahat ng plano nyo alam ko, alam ko din kung saan kayo pupunta at pumupunta hahahahahaha. Sino kaya sa tatlo ang madidisgrasya ngayon red ibigay mo ang lahat ng makakayanan mo para iligtas sila. Ang tanong sino sa tatlo ang maililigtas mo? May maililigtas ka kaya?

Ps. Calling... calling... see you later!

~

Pagkabasa ko nito tinago ko na yung box baka makita pa nila. Umupo muna ako at pumikit iniisip ko kung pano sila maililigtas.

Paano ko sila ililigtas kung hindi ko naman alam kung kelan sya aatake, nakakainis talaga alam nya lahat ng lakad namin tapos ako wala man lang kaalam alam kung kelan sya susugod. Pagnakita ko talaga sya papatayin ko talaga sya kahit makulong pa ako para hindi na mahirap ang mga kaibigan ko.

Hindi ko namalayan na dumating na pala sila renz, joyce at rain.
Dahil naramdaman ko na lang na may yumakap sakin kaya napadilat ako.

"Love okay ka lang?" malambing na tanong ni rain sakin

"Bro may nakaaway ka ba? Bakit nakayukom yang kamay mo?" nakakunot ang noo ni renz na nakatingin sa kamay ko

Hindi ko din namalayan sa sobrang galit at inis ko naiyukom ko na pala yung kamay ko.

"Okay lang ako love, tsaka bro wala ako kaaway" inakbayan ko si rain at hinalikan sya sa noo

"Kung ganun irelax mo na yang kamay mo love" bulong ni rain sakin at hinawakan yung kamay ko

"Sus dumadamoves lang yan si Red" pagsulpot ni lhean

Dumating na pala sila bob kasama yung girls.

"Hindi ah. Nasan yung mga boyfriend nyo?" sana walang mangyare sa kanila, bakit kasi nagpagpaiwan pa silang tatlo

"Ayun nagparking lang, pinasabay na nila kami kila Bob" sagot sakin ni sheng sabay upo sa tabi ng pinsan nya

"Ganun ba. Baka kaya pinauna kayo para makapag-girl hunting sila" biro ko pa para hindi nila mahalata na kinakabahan ako

"Sigurado yun hahahaha" nakipag-apir si renz sakin

"Mga loko loko. Tsaka subukan lang nila gawin yun, makikita nila hinahanap nila" birong pagbabanta ni sheng sa boys kahit wala dito

"Sige puntahan ko lang sila para sigurado tayo na hindi nila gagawin yun" para sigurado ako na walang mangyayare sa kanilang masama

"Sus kunwari ka pa makikisali ka lang sa kanila" pang-aasar naman sakin ni lhean

"Naku bes wag mong paalisin yan makikisali lang yan dun" pagbibiro naman ni jai

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon