LXIV: Mutual Understanding

124 3 0
                                    

Nasa court ng village nila renz yung boys, nagkayayaan silang magbasketball dahil hindi na sila nakakapaglaro pa ng basketball.

"Tagal na din natin hindi nakakapagbasketball" sabi ni red sabay shoot ng 3points

"Oo nga eh busy na sa pag-aaral, graduating na eh" pagsang-ayon naman ni bob kay red

"Oo nga pala anong kukunin nyong course?" tanong ni clark sabay kuha ng bola

"Iba iba ba tayong kukunin ng course ang alam ko kasi lahat tayo business, alam nyo naman satin ipapamana ang mga company ng parents natin" paliwanag ni red sa lahat

"Tama si Red satin nga ipapahawak ng parents natin ang mga kompanya nila, lalo na kayo Bob, Franz at Clark solong anak pa naman kayo" sagot naman ni renz sabay agaw ng bola kay clark

"Kung kukunin natin lahat ay business saang school naman tayo papasok?" tanong naman ni jacob sa boys habang binabantayan si red

"Kung mag PUP kaya tayo?" mungkahi ni clark

"Ateneo?" suggestion naman ni franz aagawin nya sana yung bola kay renz pero hindi nya nakuha

"La Salle?" suggestion naman ni jacob

"Pero alam ko sa America ang pinakamaganda mag-aral ng business" sagot ni renz sabay shoot ng 2points

"Nabanggit nga sakin ni dad yan" sabay rebound ni bob sa bola

"Speaking of America sabi ni daddy dun daw ako mag-aaral ng college" balita ni red sa mga kaibigan

"Ako rin sabi ni daddy" sagot naman ni renz

"Ibig sabihin aalis pala kayo pagkagraduate natin" tanong ni jacob sabay agaw ng bola kay bob

"Ewan hindi pa naman sigurado yun" sagot ni renz habang binabantayan si jacob

"Pero sabi naman nila kung gusto ko mag-aral dito okay lang daw" paliwanag ni red sa mga kaibigan

"Yun naman pala, edi dito ka na lang" sagot ni clark sabay rebound

"Kaya nga para sama sama pa rin tayo" sabi naman ni franz habang binabantayan si bob

"Okay lang ba na iwan mo si Rain, alam mo na pagkagraduate natin, magiging senior pa lang sya" paliwanag naman ni jacob kay red

"Alam ko, kung sa America naman ako mag-aaral, eh mag-aaral din dun si Renz edi dun na din mag-aaral si Rain" sagot ni red sabay shoot ng 3points ulit

"Kung papayag yung kapatid ko, tsaka sayang yung pagiging valevictorian nya kung lilipat pa sya, narinig ko kasi na may chance maging valevictorian ang kapatid ko" paliwanag ni renz sabay kuha ng bola

"Tama si Renz sayang yun" pagsang-ayon ni bob

"Bakit kasi ayan pa yung pinag-uusapan natin next year pa naman tayo ga-graduate" pag-iwas ni red sa topic nila

"Basta sa iisang school pa rin tayo" sagot ni jacob

"Time-out muna. Pahinga muna tayo" pagpapatigil ni renz sa laro nila pagkashoot nya ng bola

Umupo sila sa bleachers ng court.

"Red kamusta na ba kayo ni Rain?" tanong ni franz sabay punas ng pawis nya

"Okay naman kami bakit?" sagot ni red sabay inom ng tubig

"Yung panliligaw mo kamusta?" tanong naman ni clark sabay inom din ng tubig

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon