XIV: Surprise for Her

117 3 0
                                    

Renz POV
Magsi-six na ng gabi nang magising ako, napabangon ako bigla nang maalala ko na may gagawin pa pala akong surprise. Ginising ko na si joyce nang dahan dahan baka kasi magising si rain.

"Myloves gising na" bulong ko kay joyce pero hindi pa sya gumagalaw "Gising na myloves" bulong ko ulit na may kasamang pagtapik sa braso nya

"Hmmm bakit?" bulong na tanong nya sakin na nakapikit pa

"Magsi-six na kailangan na natin planuhin yung surprise" mahinang sabi ko sa kanya, napadilat naman sya

"Oo nga pala, napatagal ata yung tulog natin" bumangon na si joyce at naupo sa kama

"Kaya nga eh, tara na baba na tayo sabihan na natin sila" mahinang saad ko at tumayo na ako

"Sige tara na, para makapagluto na rin ako bago pa magising si Rain" mahinang sagot nya at tumayo na din sya

Nag-ayos muna kami ng sarili namin bago lumabas ng kwarto. Pagbaba namin sa sala ang tahimik at walang tao.

"Mukhang nakatulog din sila" nilibot pa ni joyce yung tingin nya sa sala

"Akyat lang ako para gisingin sila" paalam ko sa kanya

"Sige ako naman punta muna sa kusina para makapagluto na rin" nakangiting paalam naman nya

"Sige myloves" hinalikan ko sya sa noo

Pumunta na si joyce sa kusina ako naman umakyat ulit para tawagin sina jacob pagpunta ko sa kwarto nila walang tao. Baka nasa kwarto nila bob. Kaya pumunta naman ako sa kwarto nila bob pero wala din tao. Baka nasa kwarto ng mga girls. Kaya pumunta na ko sa kwarto ng girls pero wala pa rin tao. Nasan kaya sila? Dahil wala sila bumaba na ulit ako at nagpunta sa kusina pagdating ko dun si joyce lang nandun na naghihiwa.

"Nandyan ka na pala, nasan na sila?" tanong ni joyce habang naghihiwa nang lulutuin nya

"Wala sila sa taas pinuntahan ko na lahat ng kwarto pero wala sila" paliwanag ko sa kanya, nasan kaya ang mga yun, hindi man lang sinabi na aalis sila

"San naman kaya sila nagpunta?" tanong naman ni joyce na hindi tumitingin sakin

"Hindi ko alam teka lang tawagan ko si Jacob" nilabas ko yung phone ko

Tatawag na sana ako nang may biglang nagsalita.

"Gising na pala kayo"

Napalingon naman kami sa nagsalita.

.

.

.

Red POV
Pag-akyat namin sa taas pumunta na agad ako sa kwarto namin, pagpasok ko nakita ko si berna na natutulog pero hindi lang sya yung tao dun pati si arvin nandun natutulog din at magkatabi pa sila at walang suot na damit. Hindi na talaga sila nakapagpigil talagang dito pa sila nags*x. Hindi na sila nahiya, ang bababoy nila. Hindi na awa kay rain. Badtrip!

"Mga walang hiya kayo, nakakadiri kayo!" malakas na sabi ko sa kanila tapos lumabas na ako ng kwarto at sinarado ko nang malakas yung pinto

Pumunta na lang ako sa kwarto nila jacob, dahil yun lang naman ang pwede kong tambayan.

*Tok... Tok... Tok...*

"Pasok!" narinig kong sigaw sa loob kaya pumasok na ako

Nandito din pala si bob lahat sila nakahiga, si clark at bob ang magkatabi tapos nag-iisa si jacob sa kama. Sinarado ko na yung pinto at lumapit sa pwesto ni jacob.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon