XXX: Bati na Tayo?

139 3 0
                                    

Rain POV
Pauwe na kami ngayon, naging masaya ako kahit papaano dahil okay na kami ng barkada lalo na ni red pero malungkot pa rin dahil hindi pa kami nagkakaayos ni kuya.

"Rain okay ka lang ba?" tanong ni ate joyce sakin

"Huh? Ano po?" wala sa sarili kong tanong at lumingon ako sa kanya

"Sabi ko kung okay ka lang ba ang lalim kasi nang iniisip mo" hinawakan ni ate joyce yung kamay ko, napabuntong hininga na lang ako

"Kasi po hindi pa kami okay ni kuya, galit pa rin po kasi sya sakin" tumingin ako kay kuya na nasa harapan

"Hindi naman galit kuya ang mo sayo" paliwanag ni ate joyce sakin

"Kung hindi po sya galit bakit hindi nya pa po ako pinapansin?" bakit umiiwas sya, bakit hindi nya ako kinakausap

"Dahil gusto nya lang na matuto ka at aminin mo ang pagkakamali mo, tanong ko lang humingi ka na ba nang tawad sa kuya mo?" malumanay na tanong ni ate joyce sakin

"Hindi pa po, sa tuwing kakausapin ko po kasi sya umiiwas sya, hindi ko na nga po alam ang gagawin ko parang gusto ko na nga pong sumuko" hindi pa nga ako tapos magsalita umaalis na agad sya

"Wag mo sukuan ang kuya mo gusto lang nya nang lambing mo at ang sorry mo, wag kang mawalan nang pag-asa mapapatawad ka din nya" nakangiting sabi ni ate joyce

"Sana nga po ate" sabay ngiti ko din sa kanya

"Nandito na tayo" anunsyo ni red na syang nagdrive ng van pauwe

Hindi ko pala nasabi na nasa van na kami, pauwe na at eto na nga, nakauwe na nga kami, nagbabaan na kami.

"So pano ba yan kita kita na lang tayo sa monday" paalam na samin ni clark

"Hintayan na lang tayo sa tambayan" paalala ni bob na nakaakbay kay dean

"Red salamat ha" nagmanhug sila jacob at red

"Wala yun anytime" nakangiting sagot ni red sa kanya

"Pano una na kami aayusin pa namin yung mga gamit namin" paalam na ni bob samin

"Kita kits na lang sa lunes guys" nakipagbeso na si sheng samin

"Sige ingat kayo" nakipagfistbump naman na si kuya sa boys

"Ingat po!" paalala ko sa kanila tapos umalis na sila

"Red wag ka munang umuwi dito ka muna" aya ni kuya kay red

"Sige bro wala naman akong gagawin sa bahay" pagpayag naman agad ni red

"Myloves maya ka na din umuwe hatid na lang kita, wala pa naman sila mommy" kinuha na ni kuya yung gamit ni ate joyce

"Sige myloves" pagpayag ni ate joyce

"Tara pasok na tayo" nauna nang maglakad si kuya

Sumunod na kami sa kanya sa loob ng bahay at dumeretso sa sala.

"Anong gusto nyong kainin padeliver na lang tayo" nilabas ni kuya yung phone nya

"Kahit ano na lang ikaw na bahala" umupo na si red sa sofa

"Sige tawag lang ako" sabay alis ni kuya

"Rain ngayon mo na kausapin kuya mo" payo sakin ni ate joyce

"Oo nga para hindi ka na nag-iisip nang kung ano ano" pagsang-ayon naman ni red sa kanya

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon