Rain POV
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyare, kaya eto ngayon tinanghali na ako ng gising it's 11 in the morning na.Bumangon na ako at ginawa ko na ang daily routine ko pagkatapos bumaba na ako pagdating ko sa kusina nandun na sila kumakain.
"Gising ka na pala bunso" bungad sakin ni kuya
"Lika na sumabay ka na samin kumain" aya naman sakin ni ate joyce
"Good morning?!" hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, umupo na ako sa tabi ni kuya
"Yung totoo Rain bumabati ka ba o nagtatanong?" tanong ni clark sakin
"Bumabati po" ngumiti ako sa kanila
May naalala ako sa ganung eksena hahahahah. Natawa ako sa isip ko.
"May hang over ka pa siguro sa nangyare kagabi" pang-aasar sakin ni jacob
Bwisit na jacob toh inopen up pa yung nangyare. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Sorry bati tayo" nag peace sign pa sya sakin, napailing na lang ako sa kalokohan nya
"Wag mo na pansinin yang si Jacob, kumain ka na" pasimple naman kinurot ni lhean si jacob sa tagiliran
Kumain na lang ako, pansin ko naman na tahimik lang si red at pasulyap sulyap sakin.
"Red tahimik mo ata?" tanong ni bob sa kanya, nakikinig lang ako sa kanila
"H-huh?" wala sa sariling tanong ni red sabay tingin nya kila kuya
"Hindi ka lang tahimik lutang ka pa hahahahaha" biro naman ni jacob sa kanya
"Anu ba iniisip mo?" tanong naman ni clark, sa pagkain lang ako nakatingin pero nakikita ko pa rin sya
"W-wala" pinagpatuloy na ni red yung pagkain nya
"Wag mong sabihin na may hang---"
"JACOB!" saway na sigaw ko sa kanya, tumingin naman sila sakin lahat
"Oh relax lang sasabihin ko lang naman na may hang-over pa sya sa pag-iinuman namin kagabi" paliwanag ni jacob
"Ano uminom po kayo kagabi?" nakakunot noong tanong ko sa kanila, seryoso ba sila nag-inom pa sila kagabi
"Oo pero yung girls konti lang ininom, hindi pala sanay uminom yan si Red" pagkukwento ni kuya, may lalaki pa palang hindi sanay mag-inom
"Isang bote pa lang tumatawag na ng uwak hahahaha" natatawang kwento ni clark
"Sige ipaalala nyo pa" reklamo namam ni red sa kanila
"Edi kuya dun ka na po natulog kasama nila" malamang sa malamang dahil lasing na sya
"Hindi... Sa kwarto ko ako natulog" sagot ni kuya
"Buti nakapaglakad ka pa" kasi pag nalasing si kuya tamad na maglakad yan
"Naku Rain kung alam mo lang" pagsingit ni ate joyce
"Hulaan ko po dinala mo si kuya sa kwarto nya" natatawang sabi ko na nakatingin kay kuya, nakita ko kung paano sya sumimangot
"Oo sinabi mo pa, ang sakit nga ng likod ko sobrang bigat ng kuya mo. Myloves diet diet din" pagnunukso ni ate joyce kay kuya mas lalo pa sya sumimangot
Nagtawanan naman kami.
"Grabe ka naman sakin myloves" pag-angal ni kuya na parang bata
"Joke lang yun myloves" sabay yakap ni ate joyce kay kuya
![](https://img.wattpad.com/cover/125432138-288-k498245.jpg)
BINABASA MO ANG
Love and Sacrifice
FanfictionHow far can you give for love? What can you do for your loved ones? Are you willing to sacrifice your love and life? Will she choose her past because they made a promise to each other or will she choose her present that fulfill what she miss from t...