LXXXIII: Graduation

64 3 0
                                    

Ilang araw nang hindi nagpapakita si red sa magkakaibigan, hindi na nga nila alam kung nasaan sya at ngayon ay graduation na nila.

"May balita ba kayo kay Red?" tanong ni jacob sa mga kaibigan nya

"Hanggang ngayon hindi pa rin sya nagpapakita" malungkot na saad ni clark

"Hindi ba sya a-attend ng graduation? Sayang naman at may honor pa naman sya" panghihinayang ni jai at nag-aalala din sya para kay red

"Ewan ko, hindi ko alam" seryosong sagot ni renz na kahit sya hindi alam kung nasan ang matalik na kaibigan

"Rain ikaw ba?" tanong ni joyce kay rain dahil sila ang magkasintahan

"Hindi ko po alam kahit sakin po hindi sya nagpaparamdam kahit text or tawag wala po" matamlay na sagot ni rain dahil sobrang miss nya na ito

"Ano na kaya ang nangyare sa kanya?" malungkot na tanong ni sheng

"Nagtanong na ba kayo kila Ate Isabel?" tanong ni joyce sa boys

"Ang sabi nina Bry at Vince wala din daw silang alam, hindi nga din nila alam kung nasaan si Red" paliwanag ni bob

"Ang sabi naman ni Ate Isabel bigla na lang daw umalis pero ang sabi sa kanya wag daw mag-alala may tatapusin lang daw sya" pagkukwento naman ni renz dahil silang boys ang nagpunta sa bahay nila red para magtanong tungkol sa kanya

"Hindi ba yun din yung sinabi nya sa hospital bago sya umalis" naalala ni lhean yung sinabi ni red bago ito lumabas ng hospital

"Ano po ang tatapusin nya?" pagtataka naman ni rain dahil ito rin yung sinabi ng mga kaibigan nya nung unang beses nya hanapin ang boyfriend

"Ewan ko, hindi namin alam kahit kami wala ideya sa mga sinabi nya nung gabing yun" sagot ng kapatid nya sa kanya

"Kahit kami naguguluhan at nalilito na sa mga sinabi nya" hindi na alam ni bob kung nasaan si red at kung ano nagyayare dito

"Namimiss ko na po sya ang huling pagkikita namin ay nung aksidente pa" malungkot na saad ni rain dahil ilang araw na nya hindi nakikita ang boyfriend

"Kahit kami namimiss namin sya" malungkot din si jacob dahil hindi na nya nakaka-usap ang kaibigan

"Nasaan na kaya yung Mr. Romantikong yun" matamlay na paghahanap ni franz kay red

Natahimik silang lahat. Iniisip nila kung nasaan na nga ba si red, kamusta na kaya sya, ano yung tinatapos nya at kailan sya babalik.

"Oh bakit nandito pa kayo?" tanong ni carmina sa kanila pagdating sa tambayan nila

"Tita Mina nandyan po pala kayo" pinipilit ni joyce sumagot na hindi malungkot

"Bakit ba kasi kayo nandito?" tanong ulit sa kanila ni carmina

"Wala po mamimiss lang po kasi namin ang lugar na ito kaya kahit ilang minuto lang makatambay muna kami bago namin ito iwan" palusot ni renz pero may konting katotohanan yung sinabi nya, ito na nga ang huling pagtambay nila sa lugar na ito

"Tsaka tita ito na po kasi ang last na tambay namin dito kaya sinusulit na namin" paliwanag naman ni dean

"Tama kayo matagal tagal din bago ulit matambayan ito" sagot ni carmina habang tinitignan ang buong tambayan nila

"Ipapagamit nyo po ito?" gulat na tanong ni sheng sa tiyahin nya

"Oo naman sa mga anak nyo hahahaha" natatawang sagot ni carmina sa pamangkin, syempre hindi naman nya ipapagamit ang lugar na ito sa ibang tao

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon