XXXIV: Ang Pagrereview

113 3 0
                                    

Rain POV
Nasa room kami ngayon nagkaklase sa subject na math, at pinag-uusapan yung tungkol sa quiz bee na magaganap next week.

"Ms. Mae at Ms. Rain magreview na kayo para bukas sa paglalaban nyo at goodluck sa inyo" paalala ni Mrs. Quezada

"Thank you po ma'am" pasasalamat ko, bukas na pala yung pilian kung sino ang ilalaban

"Okay let's start the lesson but first, group yourself into five" utos ni Mrs. Quezada samin

Syempre ang magkakagrupo yung mean girls kasi sakto silang lima tapos ang ka-grupo ko naman ay sina jai, jhena, remilyn, at edmar na kahilera lang nang upuan namin.

"Yang grupo nyo ngayon ay grupo nyo hanggang matapos ang school year, maglalaro tayo ngayon. Kada laro natin kung sino man ang mananalo palagi pagdating nang last day natin may award sila kaya galingan nyo" paliwanag ni Mrs. Q short for Mrs. Quezada

"Siguradong panalo na tayo" confidence na sabi ni jai

"Hindi rin malay natin mas magaling sila satin" hindi dapat kami magpakampante baka may mas magaling pala samin

"Sigurado kami na mananalo tayo dahil ka-grupo ka namin diba guys" pagmamalaki naman sakin ni jhena
"Oo tama sya" pagsang-ayon ni remilyn sa kanya

Nginitian ko na lang sila kung yan ang paniniwala nila ay wala akong magagawa, lumapit naman samin si ma'am.

"Sino magiging group leader nyo?" tanong samin ni ma'am

"Ma'am si Rain po samin" turo sakin ni jai

"Okay! Sa group nyo" baling naman ni ma'am sa grupo nila mae

"Syempre si Mae po ma'am" sagot ni laila, talagang pinagtatapat kami ng tadhana

Tinanong din ni ma'am yung ibang grupo, kung sino ang magiging leader, bali 8 teams kaming lahat.

"Mukhang kalaban mo naman yung leader ng mean girls Rain" iiling iling na sabi ni jai, sya naman may kasalanan nito

"Mag-iingat ka dyan leader" babala sakin ni jhena, so may alam din sya sa grupo nila mae

"Leader ka dyan hahahaha. Hayaan mo sila basta tayo mag-enjoy lang pero kailangan natin galingan" instruction ko sa kanila hindi dapat kami magpa-apekto sa ibang grupo

"Yes ma'am" sumaludo pa sila sakin

"Mga baliw!" nagtawanan naman kami para silang si jai makulit din

"Hindi ka lang pala maganda, makulit ka rin pala" papuri sakin ni edmar

"Tsaka mabait pa" dagdag naman ni remilyn

"Akala nga namin masungit ka" pag-amin ni jhena na kinagulat ko

"Talaga? Panu nyo nasabi?" napakunot naman yung noo ko masungit ba ako tignan

"Kasi hindi ka nakikipag-usap sa iba maliban lang kay Jaira. Kaya akala namin masungit ka at snobbers. Sorry napakajudgemental namin" paghingi nang tawad ni remilyn sakin, yun ang first impression nila sakin wala akong magagawa

"Hahahaha okay lang yun, atleast ngayon alam nyo na ang totoo" sabay ngiti ko sa kanila, it's not a big deal to me

"Minsan maki-join kayo samin para makilala nyo pa sya" aya naman ni jai sa kanila

"Sige gusto namin yan" excited na sagot ni jhena

"Mamaya na ulit tayo magchismisan makinig muna tayo kay ma'am" utos ko sa kanila tapos umayos naman sila nang upo at nakinig ns

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon