XXXII: Bully

101 3 0
                                    

Red POV
After nang revelation ni rain na dito na sya sa pinas mag-aaral ulit, napagkasunduan namin magcelebrate.

Nandito na nga pala kami sa Pizza Hut sa Smith Mall, kain daw muna kami dahil gutom na sila.

"Bunso pano nangyare yun?" hanngang ngayon hindi pa rin makapaniwala si renz na dito na mag-aaral ang kapatid nya kahit ako din naman

"Pinilit ko po sila daddy na dito na lang po ako mag-aral" nakangiting sagot sa kanya ni rain

"Buti pumayag sila tito?" pati din si joyce hindi makapaniwala kahit yung iba naman

"Sila daddy pa, eh spoiled yan" tama si renz daddy's girl kasi si rain

"Kelan ka pala nag-enroll?" tanong naman ni joyce kay rain

"Kuya remember nung umalis po kami nila daddy nung hindi ka namin sinama nag-enroll po ako nun" pagkukwento ni rain sa ginawa nya para makapag-enrolled na hindi nalalaman ng kapatid nya

"Kaya pala hindi nyo ako sinama" napailing na lang si renz

"Bakit nyo po pala sinabing double celebration?" nagtatakang tanong ni rain samin

"Una dahil kumpleto na tayo at dito ka na ulit mag-aaral, pangalawa dahil classmate namin si Red" masayang paliwanag ni jacob sa kanya

"Nice nakakainggit naman po kayo, magkakasama kayo sa klase" si rain lang kasi ang nahiwalay samin dahil third year pa lang sya

"Kumusta pala first day mo?" tanong ni renz sa kapatid nya

"Ayos naman po tapos may katabi akong madaldal at makulit pero okay naman sya" masayang kwento ni rain samin

"Wala bang ng bully sayo syempre transferee ka at hindi nila alam na magkapatid tayo" tanong ni renz sa kanya, kami lang ang nakakaalam na magkakapatid sila

"Wala naman po tsaka wag po kayo mag-alala wala naman pong mang-aaway sakin" nakangiting sagot ni rain samin

"Siguraduhin lang nila kundi lagot sila samin" pagbabanta ni renz, protective talaga sya

"Tama tama" pagsang-ayon ni jacob sa kanya

"Ano pala ang section mo?" tanong ko naman kay rain

"Section A, kayo po" sagot ni rain

"Section A din kami" sagot ko naman

"Dating section din namin yan, si Ma'am Rowena advisory class ng section A, tama?" section A nga sila renz dati, ako section B pero teacher namin sya sa math

"Oo nga po pero pula bakit pala hindi ka nagpakita samin nung isang araw?" tanong sakin ni rain talagang humarap pa sya sakin

"Oo nga, tagal mo din hindi nagpakita" pagsang-ayon ni renz sa kapatid nya

"May inasikaso lang ako... Bakit namiss mo ba ako?" pagbibiro ko sabay kindat ko kay rain

"Yun oh nakadamoves hahahaha" biro naman ni jacob, sya talaga ang unang kinikilig

"Kapal mo nagtatanong lang" biglang nagsungit si rain

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon