LXXVII: Battle of the Band

60 3 0
                                    

Nasa field na ang magkakaibigan  ngayon, isa itong open field dahil gaganapin na ang battle of the band.

Sa backstage may mga nakatayong tent para sa bawat school na kasali at nasa loob ng isang tent ang magkakaibigan para maghanda.

"Love kinakabahan ako, first time kong kumanta sa madaming tao" pag-amin ni red sa girlfriend

"Seryoso ka ba dyan bro?" narinig pala ni jacob yung sinabi nya kaya napatingin sila rito

"Oo sa bahay nga hindi ako kumakanta eh" sagot ni red

"Kaya mo yan bro" pagtitiwala ni franz sa kanya

"Tsaka baka matalo tayo dahil pangit yung boses ko" pagdadalawang isip ni red sa pagkanta nya, hindi kasi sya sanay sa ganitong contest

"Love ano ka ba ang ganda kaya ng boses mo, isa yan sa dahilan kaya ako na-inlove sayo" sabay kindat ni rain sa kanya

"Aaaaaayyyiiieee!" panunukso naman ng barkada sa kanila

"Talaga love?" nakangiting saad ni red

"Oo naman kaya wag ka nang kabahan. Nandito lang ako para suportahan kayo lalo kana" malambing na saad ni rain sa kanya

"Basta Red mag-enjoy ka lang, tip lang para hindi ka kabahan isipin mo or tignan mo yung mga mahal mo sa buhay habang kumakanta ka" payo ni bob sa kanya

"Thanks bro" nag-apir sila ni red

Dumating naman si carmina sa tent nila, humalik sila isa isa sa kanya.

"Are you ready boys?" tanong ni carmina sa boys

"Yes tita!" masayang sagot ng boys

"Basta mag-enjoy lang kayo. Manalo, matalo proud ako sa inyo" sabay ngiti ni carmina sa kanila

"Thanks Tita Mina!" sagot ni renz

"Oo nga pala may mga special guest kayo sa labas" masayang balita ni carmina sa kanila

"Sino po tita?" pagtataka ni clark

"Secret mamaya malalaman nyo rin pag nag perform na kayo" nakangiting sagot ni carmina

"Nakakakaba naman po yan Tita Mina!" kabadong sabi ni jacob

"Hahahaha goodluck boys! I'm sure proud din sila sa inyo. Maiwan ko muna kayo" paalam na sa kanila ni carmina

"Thanks tita!" sagot ng boys

Lumabas na si carmina tapos nagkatinginan sila magkakaibigan.

"Sino kaya yung guest natin?" tanong ni jacob sa mga kaibigan

"Tignan na lang natin mamaya" nagkibit balikat si red dahil wala din syang ideya

"Basta galingan nyo myloves" sabay ngiti ni joyce

"Tama si Tita Mina manalo, matalo proud kami sa inyo" pagsusuporta ni sheng

"So pano ba yan lalabas na kami para makahanap kami ng magandang pwesto" paalam na ni dean sa boys

"Wait bago kayo umalis pwede ba kaming magrequest?" pahabol ni jacob sa mga girls

"Isang goodluck kiss lang pwede?" tanong ni clark

"Okay lang ba girls?" tanong ni joyce sa girls

"Okay sige" pagpayag ni lhean

Hinalikan na ng girls ang boys isang smack lang naman.

Love and SacrificeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon