COPYRIGHT©Yhellowings
All the characters in the story have no existence/whatsoever outside the imagination of the Author and have no relation to anyone having the same names. They aren't even distantly inspired by any individual known to the author and all the incidents are all merely inventions of the Author.
Plagiarism is a crime punished by law.
2017 All rights reserved.
Started : December,2017
Finished : May,2018-------------------------------------------------
PROLOGUE
"Mister Bartolome? please answer this one." Nakangiting ani ng kanilang propesor at iniabot nito ang pentelpen sa binatang masayang tumungo sa white board upang sagutan at sulusyunan ang matematika.
"Next! stand up Mister Go!" Baling naman niya sa isang binatang lalaking abalang nakikipag tawanan.
"Po?"
"I said go to the board and answer the problem two! " Sandali pa itong napakamot sa ulo bago tumungo sa unahan.
"H-Hoy pwede gayahin?" Tanong nito sa katabi na ngayo'y abala sa pag sagot. Unti unti na nitong nararamdaman ang kaba sa buong sistema. Tilaʼy nag dadasal na sanaʼy lamunin na lamang siya ng lupa dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin para sagutan at sulusyunan ang naiatas sakaniyang gawin ng kanilang propesor.
"Anong gayahin? magkaiba tayo ng sasagutan, problema mo na yan hindi ka kasi nakikinig." Sagot naman sakaniya nito pabalik.
"Ano ba naman yan, hindi ko alam to." Bumusangot pa ito sa harapan na parang batang inagawan ng kendi. Gayun na lamang ang ang pag hugot ng buntong hininga ng katabi dahil sa inasta nito.
"Sagutan mo na lang."
"Yes? Mister Padilla? are you raising your hand?" Sumilay ang ngiti sa labi ng kanilang propesor ng bigyan nito ng pansin ang isa pang binatang prenteng prente itaas ang isang kamay.
"Pwede ako na lang sasagot sa pangatlo?" Anito sabay taas ng isang kilay. Mas lalong lumawak ang ngiting sumusupil sa labi ng kanilang propesor ng iabot nito ang isa pang pang marka sa binata.
"Sure!"
Prente namang tumungo ang binata sa harapan, kasabay ng isang tunog ng pag bukas ng pinto na siyang nakapukaw ng buong atensiyon sa klase.
Iniluwa nito ang lalaking tila kasing kulay na nyebe ang balat, bagong pasok pa lang ito habang sukbit sukbit sa isang balikat ang kaniyang bag, diretso lamang itong nag tungo sa kaniyang upuan at pasalampak na inilagay ang bag dito.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...