-5-

1.7K 54 0
                                    


A/N : Si Michael Bartolome po yung nasa Media! Thanks!! gwapo rin ano? ^_^


MIKE POV












Halos mapatahimik kaming lahat sa nakikita namin ngayon. Pabaling baling ang tingin ko kay Sam at Ivan, kalaunan napailing lang din ako.

Bakit ba masyado nilang binibigdeal ang bagay na 'yon?

Ilang muntong katahimikan ang namayani sa buong silid ng may bagay na kinuha si Professor mula sa bulsa niya, cellphone niya pala.

"Kailan ka pa natututong makipag talo sa mga teachers?" Seryosong tanong nito, ng hindi tinatapunan ng tingin ang bawat isa sa amin. Hindi ko narinig na umimik si Sam, bagkus ay nanatili lang itong nakatingin ng diretso sa kaniyang mga mata. "Review your notes" Aniya, saka ibinalik ang cellphone sa bulsa ng coat na suot.

Pinasadnahan niya kami ng tingin isa isa "Class dismissed." seryoso nitong sabi.


Anong nangyari?

Tahimik lang kaming pinag masdan ang pag alis niya, tanging ihip ng hangin lamang ang namamayani sa loob loob ngayon. Napabuntong hininga ako saka binalingan si Sam na prenteng umupo sa sariling upuan.


"Oh? nanalo ka nanaman?" napa ismid ako, sinulyapan niya lang ako saka pabagsak na isinandal ang sarili sa upuan.

"Di kami nag laban,di ko pa pala alam na kelangan nya pang mag google para maniwala sya sa sinasabi ko"  sagot niya ng hindi tumitingin sa akin, may kinuha ito sa loob ng bag niya saka mabilis na naisalpak agad sa tainga niya ang headphones.

Ang tigas talaga ng ulo niya kahit kailan.


Pumalumbaba ako sa desk ko, inaabangan ang pag tapos ng bakanteng oras na naka schedule sa amin ngayon. Ano pa bang magandang gawin?

Wala naman akong ibang makitang ginagawa ng mga iilang kaklase namin dito, halos lahat may sari sariling mundo. Si Jay na nakatutol sa cellphone niya, kung hindi ako nag kakamali ay nag lalaro ito ngayon ng oline games, dinig na dinig ko kasi mula rito ang sound effects na alam kong nang gagaling sa cellphone niya.

"First blood!"

Napatingin naman ako kay Ken na may ibang kausap nanaman ngayon, ang totoy talagang 'to kahit kailan hindi ni lulugar ang kadaldalan. Naririnig ko din ang boses niya hindi kalayuan sa kinauupuan ko.



Amp! kakaalis lang ni Professor dumaldal na ulit, kaya walang masagot sagot ang gagong to during recitation.



Sunod na binalingan ko naman si Ivan, tahimik lang sa isang tabi parehas sila ni Sam na naka salpak din ang headphones sa mag kabilang tainga.

Inunat ko ang dalawa kong kamay bago tumayo, napatingin sakin yung apat.




"Sabay na tayo mag lunch" Napa ismid ako saka nauna nang mag lakad sakanila. Wala namana akong ibang pag pipilian kundi ang kumain na lang, kaysa mag mukmok sa tabi habang sila may sarisariling mundo.


"Ivs! tumayo kana dyan, sumabay kana samin!" Napailing na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Ken, parang bata.

"Sam, hindi ka sasama?" Walang ganang binalingan ko din si Sam, maangas lang itong tumayo mula sa kinauupuan bago isabit ang headphones sa leeg niya.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon