Third person's POV
"Sam! ano bang nangyayari sayo?" Tanong ni Mike sakaniya,dahil siguro sa sobrang pag aalalang nararamdaman ng kaniyang mga kaibigan dahil hindi na rin siya pumasok ng dalawang araw ay hindi ang mga ito nag dalawang isip na puntahan siya.
"Tsk! bakit ba kayo nandito?!" Inis niyang sabi,nanatiling nakakumot parin ang buong katawan niya kasama na doon ang kanyang ulo.
"Nung araw na dapat mag tatapat ka kay Ivs nakita ka na lang naming tumatakbo habang umiiyak" Maikling kuwento sakaniya ni Ken.
"Wala yon" Parang wala niyang sabi.
"Sam,ano ba yang kumot na yan,di ka ba naiinitan? anong oras na" Sulpot naman ni Jay sa usapan,kahit na naiinitan na siya sa kapal ng kumot na bumabalot sa katawan niya ay mas pinili niya paring ikulong ang sarili "Sabihin mo nga saamin,kaya ba hindi ka pumasok ng dalawang araw dahil ni reject ka ni Ivs—" Bagi paman matuloy ang sasabihin nito ay inunahan na niya.
Sino ba naman ang hindi makakapag sinungaling sa makukulit niyang kaibigan?
wala siyang magagawa kundi ang ikuwento ang lahat ng nangyari nung araw na dapat ay mag tatapat siya."Hindi niya ako ni reject" Walang buhay niyang sabi,sabay sabay na kumunot ang noo ng tatlong lalaking nakapalibot ngayon sakaniya. "...nakita ko silang dalawa ni Julie..." Napatigil siya sa pag sasalita, ng mag simulang marinig ng tatlo ang mahinang hikbi niya "...sa gym na mag kalapat ang mga labi.." Pag papatuloy niya.
Sabay sabay ring umawang ang mga labi ng tatlo,habang rinig nila ang mahinang hikbi ni Sam.Unang naka rekober sakanilang tatlo ay si Ken,saka dahang dahang lumapit ito sa direksiyon ni Sam.
"Sam tahan na...tanggalin mo yang kumot—"
"Letse naman eh! ayoko nga sabi eh!" Inis niyang sabi na akmang tatanggalin ni Ken ang kumot na tumatakip sa mukha niya,nanghihinang napaupo na lang siya sa gilid ng kama ni Sam."Bakiy ba kayo nandito?!" Bigla niyang tanong.
"Ahmm,may sasabihin sana kami pero—"
"Spill it,makikinig ako" Walang buhay na sabi niya,napasinghap naman si Mike saka nag salitan ang tatlo ng tingin."Ano na? wala ka bang sasabihin?" Pukaw niya sa tatlo ng hindi pa ito nag sisimulang ibuka ang bibig.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...