-47-

987 32 1
                                    

Sam's POV





As usual,wala nanaman kaming pansinan ni Jay.Kanina lang ng makasalubong ko siya, aasarin ko sana siya ng mapagtanto kong magka-away pala kami at galit siya saakin.

Huminga ako ng malalim.

Kasalanan mo to Sam!

Habang nag lalakad ako sa hall paakyat ng building namin,napansin kong wala nang masyadong estudyanteng pakalat kalat sa kung saan,natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo sa tapat ng pinto ng room.When someone grabbed my hair from behind.

"Shit!" Mahinang mura ko,ng mas lalong humigpit pa ang pagkakahawak dito,diko magawang kumilos dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

"Sa tingin mo ba palalagpasin kita?" Mahinang bulong saakin ni Julie,at kinaladkad ako palayo sa harapan ng silid at dinala ako sa CR ng mga babae.

Great! just great walang tao!

Mabilis akong kumalas at hinarap siya.

"Ano bang problema mo!?" Inis na tanong ko sakaniya.Imbes na sagutin niya ako ay tinawag  niya nanaman ang mga kaibigan niya.

Di talaga to lalaban ng walang kasama.

Naglakad ako papalapit sa may pintuan ng Restroom ng bigla na lang higitin ni Trixie ang isa kong braso.

"Wag ka ngang bastos..." Aniya,saka sila nagsalitan ng tingin na magbabarkada.Mabilis niya ako hinila papasok doon pero mas malakas ako sakaniya kaya nabawi ko kaagad ang kamay ko at iniwan sila.

Mabilis akong naglakad papalayo doon,natagpuan ko na lang ang sarili kong nakaupo sa isang bench malapit sa quadrangle.

Kala nila maiisahan—

"Andito ka lang pala!" Bago pa man ako makapagsalita at dumampi na ang kanang kamay niya sa  kaliwang pingi ko.
Dahil sa inis na nararamdaman ko,mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at akmang sasapakin siya sa mukha ng may bigla na lang may humila sa buhok ko dahilan para mawalan ako ng balanse at mapaupo pabalik sa bench.

"Tingnan natin kung makalaban kapa" Binigyan niya ulit ako ng malakas na sampal dahilan para pumutok ang gilid ng labi ko.

"Ano bang problema mo!?" Pigil inis kong sabi,habang matalim na nakatitig sa mga mata niya.

"Problema..ummm isipin ko nga" Nag kunwari pa siyang nag iisip saka binalingan ako at binigyang ng matalim na tingin "Dahil kasi sayo,hindi na pumapasok si Ivan!" Inangat niya ang ulo ko saka sinampal ulit.

Wag mong hinataying makatayo ako dito Julie!

"Kasalanan mo tong lahat kung bakit di pa siya nag papakita saakin! hanggang ngayon!" Saka nanaman niya ako sinampal "....dahil sa kalandian mo!"

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon