Sam's POV
"What if? aminin mo na lang ang feelings mo sakaniya?"
Napakurap kurap akong nakatingin sakaniya,at inilipat iyon kay Ken at Jay na may masasayang ngiti sa kanilang mga labi.
"A-Ano?" Nakaawang ang mga labi kong sabi sakaniya,umiling iling siya saka binaling niya ang tingin kay Ke at Jay.
"Sam...ang sabi ko,ano na lang kaya kung aminin mo na sakaniya yang nararamdaman mo?" Nagkibit balikat siya.
"A-Ano?!"
"Bingi ka talaga Sam—" Mabilis kong pinutol ang sasabihin niya.
"Oo,narinig ko! pero..di ko pa kaya—" Ngayon naman ay si Ken naman ang pumutol sa sasabihin ko.
"Edi kayanin mo!"
"Kasi...eh?" Yumuko ako para itago ang pamumula ng magkabilang pisngi ko.
Shit eto na talaga ang kahinaan ko!
"Kasi ano?" Jay.
"P-Paano ko naman sakaniya aaminin?" Huminto ako "...kung wala naman siya" Mahinang dugtong ko pero sapat na iyon para marinig nila,narinig ko ang tawanan nila kaya umangat ako ng tingin "Wag niyo nga akong asarin! baka di ako makapag timpi" Banta ko.
Huminto sila sa pag tawa ng bigla na lang tumunog ang message alert ni Ken.Napabaling kami kay Ken ng kunin niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa maya maya ay may malapad na ngiti ito sa mga labi niya.
"On the way na raw siya" Nakangiti niyang sabi,dahilan para kumabog ng mabilis ang puso ko sa kaba na pinaghaling excitement!"...ahm ang sabi niya rito, sa gymnasium raw siya dideretso" Saka niya inangat ang mga tingin niya saakin at ganun rin ang dalawa.
"Oras mo na para ipagtapat ang nararamdaman mo sakaniya" May ngiti sa labing sabi ni Jay,napasapo ako sa dibdib ko kung saan naroroon banda ang puso ko na walang tigil sa mabilis na pag tibok.
"Ano nang hinihintay mo?" Mike,ngumiti ako sakanila bago kumaripad ng takbo,binalingan ko ang direksiyon nila saka sila kinawayan habang tumatakbo,mas lalo ko pang binilisan ang pag takbo ko na may isang malapad na ngiti sa mga labi ko.
Hindi na ako makapag hintay na makita siya.
Eto na talaga ang pag kakataon ipag tapat ko sakaniya itong nararamdaman ko!
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...