Special Chapter

1.4K 38 1
                                    

Sam's POV

Wala sa sariling napahawak ako sa litrato namin ni Ivs kung saan masaya ang ngiti sa mukha namin nung ika limang anibersaryo naming dalawa,nalulungkot ako ngayon sa mga oras na to.

Letse! nakakatampo na e!

"Salubong nanaman ang kilay mo jan Sam?" Pukaw saakin ni Mama,mag iisang taon na rin kasing hindi ko nakakasama si Ivs,dahil siya na muna ngayon ang mag ma-manage ng kumpanya ng mga magulang niya sa California."Bibisitahin ka naman siguro nun kapag natapos na yung mga ginagawa niya doon" Aniya,inayos niya ang buhok kong nakalugay.

"Nasa california pa kasi yung kumpanya nila Ma e,namimiss ko na tuloy ang impaktong yun" Napanguso ako na nag pangiti kay Mama ng malapad.

"Uuwi rin yun" Hinaplos niya ang kaliwang pisngi ko bago niya ako iwan,napa upo ako sa couch ng maramdamang tumatawag si Mike kaya sinagot ko kaagad yun.

"Hello?" Tanong ko.

[Hula ko,malungkot ka ngayon ano?] Narinig ko ang mahinang pag tawa niya sa kabilang linya kaya hindi ko mapigilan ang singhalan siya.

"Tigilan mo ako Mike!" Inis kong sabi,"Ano bang pakay mo at napatawag ka?!"

[Ahh! nga pala,mag suot ka ng magandang damit,nasabihan na rin namin si Tita, yun lang,susunduin ka namin diyan nila Ken!] Sasagot sana ako ng bigla niya akong patayan ng tawag.

Taena talaga ang isang yun!

Napatayo naman ako bigla sa kama ng marinig ko ang boses ni Mama sa likuran ko.

"Sam,tumayo kana diyan at hahanapan kita ng maisusuot" Aniya,napapantastikuhang napatingin ako sakaniya.

"Kaya ko naman mag hanap ng sariling—" Pinandilatan niya ako.

"Hahanapan kita o pipingutin kita?" Banta niya saakin.

"Sabi ko nga,hahanapan niyoko" Ngumuso ako sakaniya,sumunod naman ako sa walk-in-closet ng kuwarto ko at doon niya isa isang binuksan ang mga regalo saakin ni Papa nun."Mga bigay sakin ni Papa yan diba ma?" Tanong ko sakaniya.

"Ay hindi,bigay ng ninong mo?" Pambabara niya saakin,kaya hindi na lang ako nag salita pa.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon