Jay's POV
Napahilot na lang ako sa sariling sentido sa mga pinagagagawa ng sossy girls sa transferee, mabuti na lang at mabilis na naalalayan ito ni Mike ng pinatid naman ito ni Rose.
Kelan ba nila isasalugar yang kamalditahan nilang apat?
Tahimik lang na nag lakad ang transferee patungo sa upuang kapalit niya, o dating inuupuan ni CJ malapit sa kinauupuan ni Sam.
"May bago nanamang binibiktima ang grupo nila" Mahinang bulong ko, hanggang ngayon ay masama parin ang tingin ni Julie sa dalawa, kay Ellie na transferee namin at kay Sam na kalmado lang na naka upo sa unahan namin.
"She's lucky, pinag tanggol pa siya ng mayabang na yan" Ani Julie, natuon lahat ng pansin sakaniyang nag sisimulang paringgan si Sam.
Pero si Sam na prenteng naka upo lang ay maangas na iniangag ang dalawang paa sa upuang katapat at ipinatong doon.
"Hindi ka pa ba titigil jan kaka dada?" Ngumiti ito na halatang nang iinsulto kay Julie, napailing na lang ako ng makita ang pag tiim ng bagang nito at hindi na nagawang magsalita pa.
Ilang minuto ang lumipas ng pumasok ulit si Professor Dela Cruz.
"So Class maybe hanggang dito na lang ata" Inilibot nito ang paningin sa kabuuhan ng silid namin saka huminto ang tingin nito sa direksiyon nila Samantha "Miss lacambra?"
"Bakit po prof.?"
"May Uniform kana?"
"Darating po mamaya" Tumango ito saka ibinaling ang tingin kay Sam na nasa bandang likuran ni Ellie nakaupo.
"Miss Hernandez!" Bored na tumingin pabalik sakaniya si Sam saka ipinag krus ang mga braso sa harapan ng dibdib bago ibinaba ang paang naka patong sa upuang katapat ng inuupuan niya.
"Oh?"
"Bukas suotin mo yung Uniform mo!"
Naramdaman ko ang panlalaki ng dalawang mata ko dahil sa narinig.
"ANO?!"
Halos mapatalon kami sa gulat dahil sa sigaw ni Sam, nakatayo na siya ngayon mula sa pag kakaupo habang may nanlalaking mga matang nakatingin ngayon kay Professor Dela Cruz, animo'y hindi makapaniwala sa narinig.
Si Sam? mag susuot na ng uniform?!
HAHAHAHAHA!
"I said Miss Lacambra and You, are going to wear your uniform tommorow! understood?! kapag sinabi ko! sinabi ko, Class Dismissed!" Saka na sya tumuloy tuloy lumabas ng Room, rinig kong ilang beses napamura ai Sam habang kinakamot ang ulo nya.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapa ngisi dahil sa itsura niya ngayon.
"Nyeta! sana joke lang yon!" Inis nyang sabi at saka lumabas ng room.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...