-1-

4.1K 92 1
                                    

A/N: Samantha at the multi media,thanks!






"Bwesit na yan, ba't di ko makuha kuha?" Usal ko na lamang saka wala sa sariling kumamot sa sentido.

"Problema mo?" Sumulyap ako sa tabi ko, pinahaba niya pa ang leeg niya para silipin ang nasa notes ko "Akin na nga, ako na tatapos" Sabay kuha niya ng notes sa desk ko.


"Woah! ayos ah? anong nakain mo?" Buong pag hanga ko siyang pinag mamasdang nag susulat sa notes ko, napailing na lang ako ng hindi niya man lang pinansin ang sinabi ko.


Michael Bartolome, di na ako mabibigla kung para sakaniya wala lang ang pag s-solve ng math problem ko, Yep! He's good in Mathematics maasahan ko siya dahil alam kong gustong gusto niya ang subject na yan, minsan mapapabilib kana lang dahil seconds pa ang inaabot pag may mga oral recitation kami during math period.

Pumalumbaba ako sa desk ko habang pinag mamasdan siya.

Hindi ko din maitatanggi na ma itsura din itong si Michael dahilan para hangaan siya karamihan sa mga kababaihan dito sa campus,ang kaso nga lang...


"Mike libre mo'ko mamaya ng lunch" Sandali siyang napahinto sa pag susulat ng mag salita ako. Bakas ang inaasahan kong reaksiyon sa mukha niya.

"Ako na nga tatapos ng math problem mo, tapos ililibre ka kita?" Marahan pa itong umismid sabay sabing..

"AYOKO"

Kaso nga lang madamot, siya pinaka madamot saming lima, isang himala na lang ata ang matatawag ko dahil sa ginagawa niya ngayon sa math problem ko.

Pinaka kuripot na mokong.

"Hoy! Ako din!"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang malakas na boses ni Ken malapit sa tainga ko.

Kumukulo nanaman dugo ko sa totoy na 'to!

"Punyeta Ken! ang sakit sa tainga!" Singhal ko ngunit tinapunan lamang niya ako ng tingin at ang mapaglaro niyang ngiti bago bumaling kay Michael.

"Bakit si Sam ginagawan mo? Tapos ako hindi?" Sabay salubong ng kilay at ang pag papahaba ng nguso nito saka ipinag krus ang mga braso sa dibdib "Friendship over na tayo!"

"Manahimik ka na lang diyan, nag papaka isip bata ka nanaman!" Mike saka ibinalik ang tuon sa notes ko.


Kenneth Go kahit saan mo talaga siya dalhin hindi mawawala ang angking kadaldalan niya, hanga ako dahil hindi man lang ito maubusan ng topic pag na simulan mo na siyang kausapin, isa pa, gustong gusto ko ang pagiging masiyahin niya, lalo na ang pagka childish na meron siya kaso pag sumobra na minsan mapapisip ka na lang na pinag sisihan mo ang hangaan siya.



Napaismid ako.




Gustong gusto ko ang asarin siya, tuwing wala siyang maisasagot sa mga pinapasagutan sakaniya ng mga professors namin. Kaya ang ending, halos lahat ng nasa acads kinokopya na lang niya samin.



Oo aminado akong mahilig ako mangopya.

Pero mas malala ang mokong na to.



"Ano ba naman yan Ken! " Singhal ko sakaniya, sinulyapan niya lang ako saka nginitiang muli ng pag ka tamis tamis.



ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon