-3-

1.9K 65 0
                                    

SAM POV




Mariin kong ipinikit ang mga mata saka idiniin ang dalawang kamay sa magkabila kong sentido, ito na lang ang alam kong paraan pag na memental block ako at hindi maka usad sa isang problema sa bawat minor subjects. Science time naman ngayon, halos hindi maalis ang mukha ko sa tapat ng kwaderno ko.

"Na memental block ka nanaman ba?" Unti unti kong naidilat ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Michael sa tabi, ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.

Kailangan ko ng focus sa ngayon, wala muna akong ganang makipag asaran sakanila. Iniwas ko ang tingin sakaniya at ibinalik muli ang atensiyon sa kuwaderno ko, akmang ipipikit ko nanaman sana ang mga mata ko ng kunin niya ito sa ibabaw ng desk ko.

"Hindi mo din pala makuha, na stuck din ako sa number six"  Napabuga siya sa hangin at napailing bago ibaling ang tingin sa bandang likuran ko.

"Anong tinitingnan mo?" Kaya sinundun ko na din ang tinitingnan niya. "Mag tatanong ka sakaniya?" Balik ko ulit ng tingin kay Michael.

"Wala eh, siya maasahan ko" Kibit balikat na sabi niya saka ibinalik ang notes sa ibabaa ng desk ko. "Mag tanong kana lang din sakaniya kung wala ka ding maintindihan" Sabay kindat nito saka ibinalik ang atensiyon sa sariling gawa.

"Teka, hindi ka din maka usad sa number na yan diba?"  Ani ko.

"Ikaw naman mag tanong, bigay mo na lang sakin yung formula ayos ba?" Tatawagin ko sana siya ulit ngunit paulit ulit lang ang sagot niyang "Ikaw na, ikaw din nangangailangan"

Napahingang malalim na nga lang ako saka dahang dahang nilingon ang direksyon kung saan naka pwesto si Ivan.
Nakasarado ang kwaderno niya, mukhang kanina pa siya tapos sa seatwork.

"Sige na sakaniya kana mag tanong" napabalik ang tingin ko kay Michael, hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil nasa kwaderno pa din ang buong atensiyon. "Pansin ko din na hindi kayo gaano kalapit at minsan lang kayo magkausap, paraan na din to para wala nang malamig na atmosphere sa pagitan niyo" Dugtong niya pa.

"Ha?" Usal ko na lamang, napailing siya saka binitawan saglit sa ballpen niya bago niya ako balingan.

"Weird lang, tagal na nating mag kakasama pero pag dating sainyong dalawa ni Ivs—" napahinto siya saglit bago ako tingnan ng mag simula nang manliit ang mata niya "—may past ba kayo ni Ivs?" Biglang tanong niya kapungkawan.

"Past?— hoy wala!" Mahinang singhal ko sakaniya.

Ano bang iniisip niya? Tsk! Tsk!

"Sabagay, mahirap din pakisamahan yan" Kibit balikat niyang sabi saka kinuha ang ballpen "... palagi pala kayo mag kaaway nung high school pa tayo" Naiiling pa itong ibinalik ang atensiyon pabalik sa kwaderno.

Minsan kami mag kausap pero palaging na uuwi noon sa bangayan.

Parang hanggang ngayon ganun pa din.

Ipinalibot ko ang paningin ko sa kabuuhan ng silid, halos lahat abala sa ginagawa, ganoon din sila Jay at Ken.
Napabalik ang tingin ko sa sariling kwaderno at kay Mike na ganoon pa din ang postura.

May punto siya, hindi ko din alam kung bakit ang lamig ng atmosphere pag kaming dalawa ni Ivan ang nag kakausap.

Mukhang oras nang ibaba ko naman ang sarili ko.

Wtf? ano ba itong pinag sasabi ko?

Sa totoo lang siya dapat ang makisama ni hindi nga siya masyado sumasabay sa mga gimik naming apat, at isa pa masyado siyang seryoso sa lahat ng bagay.

Hindi kaya madaming pinag dadaanan ang isang 'to?

Sabihin na nating weird, sa tagal na din ng pinag samahan namin ay bibilang lang ang magagandang ala alang nabuo sa pagitan naming lima.
Medyo matino pa siya noong high-school kami, pero hindi ko inaasahang mas lalo siyang magiging malamig na ngayong nasa koloheyo na kami.

Napa ismid na lang akong pinag mamasdan siyang isinasalpak ulit ang headphones sa tainga niya.








IVAN POV





I slowly put down my pen I was holding to my desk and closed my notebook. Tapos na din ako sa mga dapat kong sagutan.

I took a deep sigh.

"Hayyy!"  I glanced at the direction  where she was sitting. Hawak na niya ang magkabilang sentido ngayon ng hindi inaalis ang paningin sa sariling notes.

It was a relief seeing her like this, than making noises and insulting some professors around her. Isa sa pinaka ayaw kong nangyayari dito sa mismong loob ng block namin, dahil alam kong simula nanaman iyon ng pag gawa niya ng gulo.
I leaned against the chair,when I suddenly remembered the mess she had entered yesterday.

Her stubbornness.

Napailing na lang akong isipin iyon, kaya kinuha ko na lang headphones sa bag ko. I closed my eyes and started listening to music, this one is better.

I'd like to make myself believe~
that planet earth turns slowly~
It's hard to say that~
I'd rather stay awake when I'm asleep~
'Cause everything is never as it seems~

'Cause I'd get a thousand hugs~
From ten thousand lightning bugs~
As they tried to teach me how to dance~

A foxtrot above my head~
A sock hop beneath my bed~
A disco ball is just hanging by a thread (thread, thread)~

"PUNYETA IVAN!!"

Unti unti kong minulat ang mga mata ko ng marinig ang maalingawngaw na boses niya sa loob ng silid. Ang atensiyon ng mga ka blockmates namin ay nasa saamin na ngayon. Walang buhay kong tinanggal ang headphones mula sa tainga ko bago ibaling ang tingin sakaniya.

Is she not ashamed of what she is doing?

"Oh?"  Pinanatili kong kalmado ang ekspresyon sa mukha ko ng harapin siya.

"Kailangan ko ba talagang sumigaw ng buong lakas para marinig mo?!—" Nag salubong ang dalawa niyang kilay.

"Anong kailangan mo?"  Tanong ko na lang sakaniya kapungkawan.

I have no time to listen to her nonsense words.

"Oh? Anong tinitingin tingin niyo diyan?! may sine ba? ha?!"

-_-

"H-Huy, Sam tama na yan" Saway sakaniya ni Michael saka bumaling sa akin "Ivs, Isulat mo na lang yung formula dito sa number six" Sabay hagis ng notebook saakin,mabilis ko itong nasalo saka bored na binuklat ang last page.

"Nasaan na yung notes ko?!" Dinig kong tanong niya, sinilip ko ang cover ng notebook na hinagis ni Michael.

'Sam'

I didn't bother to listen to her I just wrote the formula at the back of her notes, bago pa niya makitang nasa sa akin ang hinahanap niya. Tumayo ako mula sa kinauupuan at nag lakad sa direksyon niya saka pinatong ang notebook sa kaniyang desk. 

"Nakasulat na yung formula diyan"  hindi ko na pinakinggan pa ang iba niyang sasabihin dahil mabilis ko na siyang tinalikuran.

"Aray!! Bakit mo'ko binatukan?!"

"Bakit mo binigay?!" 

"Ang bagal mo kasi! ang dami mong dada kaya ako na nag bigay! "

Tss!

Listening to the music is better than listening to her words full of stubbornness.













Don't forget to VOTE and post your COMMENTS!

Follow me on WATTPAD --

Yhellowings if you want!

THANK YOU!*

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon