A/N: This chapter is dedicated to DeniseEstemberGa,this is for you,hope you like it!
Iv's POV
"Iho,kumain ka lang diyan,nawawala wala na rin yang mga pasa mo sa mukha" Paalala ni aling Mei.Tumango ako at nag simula ng kumain,ng marinig ko ang mahinang yabag ng mga paa ni ate..mukhang kagigising lang.
"Oh? Ivan? papasok ka ba ngayon?" Bungad na tanong niya saakin.
"Hindi"
"Bakit naman? konti na lang ang pasa mo sa mukha oh!" Humila siya ng upuan niya sa tabi ko at umupo doon "...pinapabayaan mo na rin yang pag aaral mo,hay naku! nag bakasyon pa naman ako dito para tingnan tingnan ka" Kumunot ang noo ko,saka napabaling sakaniya.
"Bakit? paano yung trabaho mo dun?"
"Aww,hayaan mo na nga lang.." Hindi na ako nag salita pang muli,at nag patuloy lang sa pagkain ganun rin siya.
"Oh? Iris tumatawag ang Mommy niyo gusto ka raw makausap!" Narinig naming sigaw ni Aling Mei,mabilis na binitawan ni ate ang hawak niyang kutsara at tindor saka nag tungo.
Mag susumbong nanaman siya tss!
Nang matapos ko nang kumain,tamad na tumayo ako mula sa kinauupuan ko ng mag vibrate ang phone ko sa bulsa ko.Ng tingnan ko kung sino ang nag text ,napakunot ang noo kong binasa ang mensahe saakin ni Ken.
From: Ken
Pumasok ka,may sasabihin sayo si Sam!
Napako ako sa kinatatayuan ko bago ko maigalaw ang mga daliri ko para replyan ang mensahe niya.
To: Ken
Anong sasabihin niya?
Ilang minutong hindi niya ako nagawang replyan kaya naglakad ako patungo sa kuwarto ko saka nag bihis.
Ano namang sasabihin niya?
Napasinghap ako saka tiningnan ang sarili sa salamin bago tuluyang lisanin ang kuwarto ko.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...