-44-

1K 33 0
                                    

Iv's POV









"Iho? bangon na diyan may pasok ka pa" Rinig kong boses ng kasambahay namin."Andito na yung ate mo,kauuwi lang kahapon" Dagdag niya,bumuntong hininga ako bago bumangon sa kama...
saka nag tungo sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili.

"Sige ho" Sagot ko.Muling pumasok sa isipan ko ang natutulog na itsura dito ni Sam sa loob ng kuwarto ko. Isang linggo na ang naka lilipas simula nung dito siya nanatili ng dalawang araw nun,hindi ko na rin siya nahatid nun sa bahay nila dahil ayaw niya..

Pasaway talaga.

Minuto ang lumipas ng matapos kong ayusin ang sarili ko,di na ako nag abala pang mag almusal at nauna nang pumunta sa garahe.

"Ivan!" Kunot ang noong napatingin ako kay Ate na nakapweywang lang na nakatingin saakin.

"What do you want?" Tanong ko sakaniya.

"Tssk! di ka man lang ba mag aalmusal?" Tanong niya.

"Hindi na,mauna na ako" Napa singhap siya ng mabilis ko nang binuksan ang pinto ng kotse ko,saka pina andar iyon palabas ng garahe.

Kamusta na kaya siya?

Palaging tanong ng isipan ko patungo sa Syntax,hanggang sa makarating na ako sa parking lot.

"Ivs.." Isang pamilyar na boses ang narinig ko matapos kong lumabas mula sa driver's seat.Mabilis kong nilingon kung sino ang nag salita.

"Ano?" Takang tanong ko kay Jay na halatang pilit lang ang ngiting pinapakita saakin,halatang kalalabas niya rin sa sasakyan niya dahil kanina ko pa napapansin ang kotse niyang nakasunod rin sa akin habang nag mamaneho ako patungo dito.

"Ngayon ka lang ata pumasok..." Nakapamulsa siyang lumapit saakin,saka sabay kaming nag lakad papasok sa Campus.

"Busy" Ani ko ng hindi tumitingin sakaniya.

"Busy...hmmm.." Narinig ko ang mahina niyang pag tawa,biglang umangat ang kaliwa niyang kamay saka tinapik tapik ang kabila kong balikat "Dre,may sasabihin ako sayo..." Bigla siyang sumeryoso,hindi ako umimik na humarap sakaniya.
"Alam mo naman siguro ang tungkol saamin ni Sam ano?" Bigla niyang tanong..

Di ko pinahalatang nagulat ako sa tanong niya at pinanatili parin ang pagiging kalmado.

"Oo,bakit mo natanong?" Hindi ko na lang sakaniya pinahalatang interisado ako sa iba pa niyang sasabihin.

Huminto siya sa paglalakad saka ako pinakatitigan sa mga mata,ibinalik niya ang isa niyang kamay sa kabilang bulsa niya.

"Ivs...pinapaalalahanan lang kita" Huminto siya "...kung pwede lang,kahit anong mangyari wag mong liligawan si Sam?" Deretsahang sabi niya.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon