Ken's POV
"May naka away nanaman si Sam.." Ani Jay, nakinig lang kami sa iba pa niyang kuwento, parehas kaming umaasa ni Mike na may sasabihin pang iba si Jay bukod sa may naka away nanaman si Sam, kundi tungkol nanaman sa nakita namin kaninang tatlo sa garden.
Nakarating kami sa room habang patuloy lang ang dalawa sa pag uusap, nadatnan naming mag isa lang si Professor doon mukhang kanina pa kaming lima hinihintay dahil mga bag na lang namin ang na roroon, wala na rin ang mga kaklase namin.
"Oh? bakit ngayon lang kayo?" Bungad na tanong niya ng makapasok na kaming apat, isa isa niya kaming tiningnan bago mag salitang muli "Kayong lima, nag cutting classes kayo sa klase ko" Napahawak siya sa sariling sentido.
Ni isa sa aming apat ay walang nag salita.
"Bakit hindi niya kasama si Hernandez?"
Bago paman kami maksagot sakaniya ay bumukas na ang pinto ng silid at iniluwa nun ang walang emosiyong si Sam.
Tumango si Professor samin bago niga kami talikuran para humarap sa white board at binuksan ang projector kung saan naroroon ang na missed naming Quiz sa klase niya.
Sabay sabay kaming pumunta sa sarisariling upuan, pinag masdan ko ang bawat isa saming lima, nanatili paring tahimik.
"I will give you 30 min." Aniya bago siya bumalik sa table niya.
Parang pigil hininga kaming lima ngayon sa pag sasagot, itinuon kona lang ang pansin ko sa mga tanong na naka flash sa projector saka sinagutan iyon isa isa.
Pasimple kong nilingon sila Mike na abala sa pag sagot sa papel niya, si Jay na nag iisip lang dahil nakatingin ito sa labas ng bintana at si Ivan na pinapaikot ikot ang ballpen sa mga daliri niya.Para kaming may mga sari sariling mundo ngayon.
"Tapos kana?" Nabigla ako sa nag salita sa bandang gilid ko, Si Sam.
Napalunok ako ng ilang beses bago siya sagutin.
"A-Ah! hindi pa"
Hindi na niya ako kinausap pa dahil ibinalik na niya ang tingin niya sa papel niya, ilang minuto kaming sumasagot sa kaniya kaniyang papel.
"Tapos nako"
"Tapos nako"
Nakita kong sabay na tumayo ang dalawa, Si Ivan at Sam na tumungo sa table ni professor dala ang kanilang sinagutang papel, nag bow sila kay Professor bago mag paalam dahil tapos na silang dalawa sa pag sagot.
"Ten minutes left..."
Sam's POV
Wala sa sarili akong nag lalakad sa napakalawak na quadrangle dito sa campus, hindi ko na nagawa pang hintayin ang apat dahil masyadong magulo sa isipan ko, paulit ulit sumasagi sa isipan ko ang usapan namin ni Jay.. pati na rin ang hindi ko inaasahang pag halik niya sa mga labi ko.
*Flashback *
"... maniwala kaman o hindi, gusto kita."
Hindi ako maka imik.
Hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.
Bakit nag kakaganito na?
Mabilis kong iniwas ang tingin sakaniya, hindi ko magawang makapagsalita o gumawa ng kahit na anong pwedeng irason sakaniya, ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ko.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...