Hi pala kay Anariel! Inshort ate honey! para sayo to! sana magustuhan mo ;) Thanks a lot! ^o^*
Sam's POV
"Class dismissed"
Walang sereseremonya akong tumayo mula sa kinauupuan at halos makipagkarera ako sa mga kaklase kong palabas na ng room, ni hindi ko man lang binahala ang apat na naiwan lang sa loob. Ewan, basta trip ko maging mapag isa ngayon, naging sagabal na nga ang peaceful life ko kanina sa loob ng library ay hindi rin ako makakapayag na pati ba naman ang pagkakataon kong to ay ma tyempuhan pa ako ng apat ng ugok na 'yon
"Ayos!" Isang malapad na ngiti ang biglang sumilay sa aking labi ng makita ang pinaka gusto kong tambayan sa lahat, sa field malapit sa net na madalas paglaruan ng mga soccer players.
Pabagsak kong iniupo ang sarili ng tuluyan nang makasilong sa malaking puno saka nakangiting kinuha ang bag para kunin ang headphones ko.
Napabuga ako sa hangin.
Hayyyy! sawakas!
Siguro ito na yun, ito na ang pag kakataon kong manatili at magkaroon ng sariling peaceful life. Walang sagabal, walang tawa ng tawa, walang kayabangang naririnig, o sa maikling salita, walang mga ugok na nag iingay sa paligid 'ko'
"Bahala na sila sa buhay nila" Bulong ko sa sarili bago ipatugtog ang mga kantang magigiliw saka ko ito sinabayan ng pag heheadbang.
Mas gusto ko ang ganito, bigyan ng sariling katahimikan ang sarili at piliing maging pag isa minsan. Mas kinakailangan namin ng oras para sa mga sarili namin-ewan ko sa apat na 'yon kung makakaya nila ang mga sarili nila, basta alam ko, ako lang yung dumidistansiya sakanila minsan. Kagustuhan ko na din' yon, gusto ko din na maging tahimik minsan. Sila na lang ata 'yong hindi na talaga mapag hiwalay.
"Ha-" naputol ang iba kong sasabihin ng bigla na lang...
*BLAAAAAAAG!*
Aray!
Nakaramdam ako ng konting pagkahilo ilang sandali, saka dahang dahang tumayo sa kinauupuan ko. Padabog kong tinanggal ang headphones ko sa tenga ko at inis na nag lakad papunta sa field para harapin ang sino mang mapangahas ang sumipa ng bola.
"T*ng*na!! sino yung nag sipa nun?!!"
"S-Sorry S-Sam,hindi naman yun sinasadya ni Ivs" Si Renz na nakakuha ng atensiyon ko, kumakamot pa ito sa sentido niya ng magtama ang paningin namin ilang sandali bago hanapin ng paningin ko ang Ugok na si Ivan, hanggang sa tumama ang tingin ko sa bored at seryosong mukha niya habang naka tayo siya ngayon sa gitna ng field.
"Jan ka pa kasi pumwesto" Bored na sabi niya bago niya ako tinalikuran na lalong kinainisan ko.
Aba! bastos to ah?!
"Hindi ka man lang ba hihingi ng sorry?!" Inis na sigaw ko sakaniya,bahagya pa siyang napahinto sa paglalakad at dahang dahang lumingon saakin, kasabay ng pag taas ng isa niyang kilay at umismid.
"Pahinging Sorry"
Napupuno na talaga ako sa uri ng pananalita niya!
Malalaki ang hakbang kong tinungo ang direksyon niya at buong pwerso kong ipinalipad sa ere ang kamao ko papunta sa mukha niya ng mabilis at walang kahirap hirap niyang sinalag ito.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...