Sam's POV
Nakatunganga lang ako sa kanilang tatlo na patuloy parin sa pag lalaro, kanina pa sila nag lalaro 36 na ang puntos ng dalawa samantalang si Jay naman na mag isa lang na kalaban nila ay naka 33, tatlong puntos lang ang lamang ng dalawa sa puntos ni Jay.
Solo lang yan nakaka puntos din.
Napunta ang atensiyon ko kay Ken na sandalinv natigilan habang nakatingin sa direksiyon kung nasaan ang entrance ng gym,ganon din ang dalawa.
"Oh, andito na pala siya" Usal niya ng hindi parin maputol ang tingin, taas ang isa kong kilay na sinundan ang tinitingnan nilang tatlo.
Dahilan para ilang sandali mapaawang ang bibig ko sa nakitang taong bagong dating habang nakatayo parin sa entrance ng Gym.
Parang kaylan lang, nakita ko ulit na mag suot siya ng Jerseys!
*LUNOK*
*LUNOK*
*LUNOK ULIT!*
*LUN—!!"
Tama na nga ang panay lunok! mawalan nako ng laway letche!
*BLINK!BLINK!*
Nanatiling naka plaster lang ang dati niyang ekspresiyon sa mukha, ilang sandali akong pinagmasdan ang kabuuhan niya.
Naninibago ako sa itsura nya..
Nangingibabaw ang kaputian nya..
Halatang naligo ito dahil basa pa ang buhok niya.
Yung mga muscles nya nangingibabaw!
Isa lang ang masasabi ko.
Ang linis nya tingnan!
Sa pag kakaalam ko ay huli ko siyang nakitang naka suot ng Jerseys ay nung elementary pa lang kami, dahil simula nung tumungtong kami ng High school ay nahilig na rin siya sa pag lalaro ng soccer.
*BLAAAAAAG!!*
"Araaaay!"
Naramdaman ko na lang ang kakaibang mabigat na bagay na tumama sa kabilang sentido ko dahilan para tuluyan na akong makabalik sa nag lalakbay kong diwa, mabilis kong itinikom ang hindi ko namalayang naka awang na bibig ko dahil sa pag titig kay Ivan na kasalukuyang nag lakad na sa direksiyon nila Ken.
Ta*gna! mabute medyo okay na yung bukol ko.
"Kanina ka pa naka nganga jan oy!" Dinig kong sigaw ni Mike, inirapan ko na lang siya saka hinimas ang gilid ng ulo ko kung saan tinamaan ng bola."Tara na, tayo ang mag kakampi Ivs!"
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...