-9-

1.5K 48 0
                                    

Ken's POV


"Ipasa mo na!" Sigaw ko Jay na ngayon ay busy sa pag lalaro ng basketball, nag pasama siya sakin kanikanina lang kasama ang iba pa niyang mga ka Team.

"Ken! pakuha nga nung tubig ko jan sa Bag!" Napataas na lang ang kilay ko sa sigaw niya pabalik.

Sinama ata ako nitong gagong to para lang maging Alalay ano?

Wala kong nagawa kundi tumungo sa bag niyang naka patong sa bleachers para kunin ang tubig niya.

"Oh" Mabilis kong inihagis sakaniya ang tubig niya na agad naman niyang nasalo.

"Salamat, teka kamusta na raw si Sam?" Biglang tanong niya.

"Ewan? tsss! halatado yung bukol e!"  Kibit balikat na sagot ko sakaniya.

"HAHAHAHAHA Si Ivan—"

"Tangina naman oh, hindi pa nga to magaling!"

Isang pamilyar na boses ang narinig naming dalawa ang pumutol sa iba pa niyang sasabihin.

"A-Aray!"

Napailing na lang kaming dalawa bago namin tinungo ang direksiyon kung saan nanga gagaling ang pamilyar na boses, hanggang sa maabutan namin siyang nananalamin sa screen ng cellphone niya.

"Ano naman bang nangyari jan?" Biglang tanong ni Jay kay Sam na mukhang agang aga ay mainit nanaman ang ulo.

Problemado nanaman siguro ito sa bukol niya hays.

"Dalawang beses natamaan yung bukol ko ngayon!" Inis na sagot niya, napabuntong hininga na lang ako.

"Ano bang nangyari?"  Tanong ko sakaniya, halos mamula na siya ngayon sa inis.

"May Estudyante kasing nahampas ng bag nya yung sentido ko,kaya ayun! natamaan yung bukol ko!" Kwento nya, tsaka tumingin uli sa Cellphone nya at nanalaming uli.

"Eh? yung Isa?" Tanong ko

"Nauntog ako" Sabay turo sa pader na simentong katapat namin.

Pigil tawa kaming tumingin sakaniya hanggang si Jay na ang unang sumuko, inis niyang binalingan kaming dalawa ng may matatalim na titig ng hindi ko na rin mapigilan ang pag tawa ko.

"HAHAHAHAHA!"

"Gusto niyo rin magka bukol?" Imbes na bigyan naming pansin ang banta niya ay patuloy parin kami sa pag tawa."Sige lang"

Unti unti nang humupa ang tawa naming dalawa ng biglang sumeryoso ang boses niya dahilan para mag angat ang tingin namin sakaniyang may nakakalokong ngisi ngayon sa mukha niya.

Shit! baka may plano nanaman to!

"H-Hoy! anong ningingiti ngiti mo?!"Si Jay.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon