Mike's POV
"Seryoso?!" Di makapaniwala kong sabi kay Ken.
"Oo nga,para may malaman naman siya,tang*na pag kinuwento ko kasi sakaniya hindi yun maniniwala!" Pinag krus niya ang mga braso sa dibdib.
"Paano kung malaman yun ni Ivs?!" Sasagot sana si Ken ng biglang sumingit sa pagitan naming dalawa si Jay.
"Problema niya nanamang dalawa?" Nakataas ang isang kilay na pinagmamasdan kaming dalawa.
"Eh ito kasing si Ken! binigay yung Diary ni Ivs kay Sam!" Sabi ko habang dinuduro si Ken na ngayon ay nakanguso kay Jay.
Isip bata!
"Ah yun lang pala" Ginulo niya ang buhok ko "...wag ka ngang paranoid!" Natatawa niyang sabi.
"Gago tong mga to! Diary yun dre! DIARY!" Ngumisi lang ang loko.
Nakapag tataka lang na ang mga gagong to ay walang pakealam sa diary na yun?!
"Hoy! nag sabwatan—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ang ang tawanan ng dalawa."...andaya niyo naman" Ngumuso ako sakanilang dalawa.
"Ayos na yun,ikaw kasi close ka kay Sam baka kasi sabihin mo" Inismiran nila akong dalawa kaya nag salubong ang dalawa kong kilay.
"Di ko naman sasabihin eh" Mag dadrama pa sana ako ng saktong bumukas ang pinto ng silid at iniluwa nun ang ngiting ngiting si Sam.
Hindi kaya...
Nabasa na niya lahat?!
Napawi lamang iyon ng bigla siyang lapitan ni Julie.
"What a nice morning" She said with a sarcastic tone,tinaasan niya ng kilay si Sa at inismiran ito.
"C'mon Julie,wag kanang dumada diyan,baka nakakalimutan mong may atraso pa kayo sakin?" Bumalik ang ngisi ni Sam sa kaniyang mga labi ng hindi magawang makapag salita si Julie."...and wait there's more,tigilan mo na ang pag hahabol kay Ivs" Saka niya ito nilagpasan.Nakakailang hakbang palang si Sam ng mag salita nanaman ito.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...