-54-

1.3K 31 1
                                    

Iv's POV

"Saan mo ba ako dadalhin?" Tanong ko sakaniya,habang hinihila niya ako paakyat ng hagdan.Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyari sa hospital.

"Sumunod ka na lang!" Aniya,nagpahila na lang ako sakaniya hanggang sa makarating kami sa roof top ng Syntax University.

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ko sakaniya,bumaba ang tingin ko sa quadrangle na tanaw na tanaw mula dito sa roof top,wala pang masyadong estudyante.

"Mag papahangin,saka wala panaman yung tatlo" Sagot niya habang nakatuon parin ang tingin sa baba,nakasuot siya ngayon ng pants at simpleng V-neck shirt na pinatungan niya lang ng jacket niya nakalugay rin siya at nakababa ang bangs niya.
"Anyway,tanong lang" Sabi niya bigla,kaya mabilis kong iniwas ang tingin ko sakaniya.

"Ano?"

"Nag seselos ka pala dati kay Jay?" Humarap siya saakin at nakita ko ang pag guhit ng ngiti sa labi niya.

Huminga ako ng malalim.

"Oo" Bigla siyang natawa kaya binawian ko rin siya "...eh ikaw? di kaba nag seselos kay Julie?" Ngumiti ako ng biglang napawi ang ngiti niya sa labi.

"Ibang tanong na lang"

"Tsss! napakadaya mo talaga" Umismid ako sakaniya.

"Oo na!" Saka pinag krus ang mga braso sa dibdib niya."Sino pala first kiss mo?" Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya mabilis niyang iniwas ang tingin niya saakin.

Lumunok ako.

"I-Ikaw" Sabi ko sakaniya,saka yumuko ng bigla siyang napatingin saakin.

"Ako? bakit hindi si Julie?"

"Ako yung humila sayo papunta sa maliit na iskinita, nung bumili ka sa drug store" I confessed, saka umangat ng tingin sakaniya,nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Ikaw yun?" Tanong niya,tumango ako "Naks naka one point ka dun ah!" Nasuntok niya nga ako sa braso ko "Kaya pala pamilyar yung halik mo sakin dun sa ospital eh!" Natatawa niyang sabi.

"Tss!" Pasimple kong kinuha ang bracelet sa bulsa ko "Akin na yung kamay mo" Bigla kong sabi sakaniya.

"Bakit nanaman?"

"Basta i-abot mo na lang" Nagtatakang iniabot niya ang kamay niya saakin,saka doon ko ikinabit ang bracelet sa kamay niya.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon