Sam's POV
Kasalukuyang nasa harapan ako ngayon ng locker ko para mag bihis ng panibagong white T shirt dahil sa kagagahan ng shungang Julie na iyon, mukhang sinwerte naman ako dahil may extra pa pala akong nakatago dito.
Pagkatapos naming kumain ng mga ugok ay pinauna ko na sila at sinabing mag papalit lang ako ng damit, hindi na nila ako kinulit pa at sinabing hihintayin na lang raw nila ako doon.Matapos kong makapag palit ng T shirt ay napag desisyunan kong lumabas muna at maglibot libot sa campus, tutal naman ay wala namang klase dahil wala ang isa naming Professor at may mahalaga raw itong pupuntahan ay mas okay nang sulitin ko na ang oras na dapatsa klase niya ay para na lang sa pag lalakad lakad ko dito.
Isinalpak ko sa magkabilang tenga ko ang headphones ko, napangiti ako ng madaanan ko ang magandang tambayan ko, kung saan mahayahay at preskong pwesto.
Ang tambayan kong malapit sa field kung saan madalas mag laro sila Ivan kasama ang mga teammates niya sa soccer.
Ang tambayan kong naging dahilan ng bukol ko.Hays, mabuti na lang at unti unti nang nawawala tsk tsk!
Ilang araw rin ang hinintay ko para doon.
Napailing na lang ako at nag patuloy na lang sa pag lalakad, kokonti na lang ang mga estudyanteng nakikita ko ngayon, siguro dahil ang iba ay nasa kaniya kaniyang klase.
Ang ganda talaga pag ganito, hindi masyado maingay.
Iniangat ako ang dalawang braso ko sa ere para iunat ito ng mahagip ng mga mata ko ang isa sa mga bleachers sa isang tabi.
Isang hindi pamilyar na babae ang nakaupo doon, naagaw ng atensiyon ko ang mapuputi niyang balat,maikli rin ang buhok niya habang busy ito sa pag babasa ng kaniyang libro.
Napansin kong hindi rin siya naka uniporme katulad sa ibang mga estudyante dito sa Syntax dahil naka suot lang ito ng isang itim na V neck shirt saka pinaresan ng pants.Ngayon ko lang ata to nakita ah?
Napaismid na lang at at hindi na siya binigyan pa ng pansin para maipag patuloy ko ang pag lalakad.
Hindi ko alam kung bakit parang nag karoon ng sariling pag iisip ang aking mga paa ng dalhin ako nito sa Field kung saan madalas akong tumambay.
Napadaan pa lang ako dito kanina.Napa buntong hininga na lang ako at umupo sa damuhan, tirik na tirik ang araw pero ang iba dito ay nag lalaro parin ng soccer, hindi alintana ang init.
Napansin ko na ang iba sakanila ay mga ka team ni Ivan."Mga manhid ba sila? Tsk! " Kusang lumabas sa bibig ko, mukhang enjoy na enjoy parin sila sa pag lalaro.
Naiiling na isinandal ko na lang ulit ang likuran ko sa puno saka dahang dahang ipinikit saglit ang mga mata ko.Makakapag pahinga na ba ako ngayon ng payapa?
Mabilis kong naidilat ang mga mata ko.
"Nyeta, baka tamaan ako ulit ng bola dito tsk tsk!" Mabilis na tumayo ako mula sa kinauupuan ko at pinag pagan ang sarili.
Dahil sa wala naman akong ibang pupuntahan bukod sa bumalik ako ng room, ay mas pinili ko na lang na mag lakad patungo sa likod ng library.
Kaagaw agaw ang pansin ng mga magagandang bulaklak doon,ang mga malalagong rosas na tinanim pa ng dating librarian naming si Madam Vick—*BLAAAAAG!!*
Halos mapatalon ako sa gulat ng maramdaman ko ang kakaibang prisensiya ng hangin mula sa aking likuran, muntikan pa akong matusok sa tangkay ng rosas na hawak ko.
Wtf? anong tunog iyon?
"A-Aray.. "
Naramdaman ko ang unti unting pag kunot ng noo ko dahil sa mahinang daing ng isang babae, sinubukan kong lingunin ang likuran ko pero wala akong nakitang tao doon.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...