-6-

1.7K 57 0
                                    

Hi pala kay Alliah! Hi Sistah! hahaha!! Thank you sa mga pics! hahaha! Sana mabasa mo to!♥
Kay Andeng,Nica,Denise! Hi din sainyo! sana mabasa nyo rin to!


SAM POV









Tahimik kong inilibot ng tingin ang kaloob looban ng Library, nag hahanap ng pwede kong pag pwestuhan para doon ko na lang I review ang lahat ng kailangan kong I review dahil paniguradong isang surpresa nanaman na recitation ang magaganap bukas kung sakali. Sino pa ba ang prof na minsan ay ganoon ang gawain? Edi si Professor Wilma.

Tsk! like what the heck?! ano bang nakain ko at parang sinisipag akong mag aral?!



Aish!


Kumamot ako sa gilid ng noo ko saka nahagip ng paningin ko ang isang puwesto sa gilid ng mga bookshelves, napabusangot lang din ako kalaunan ng makitang may grupo din doon ng kababaihan na walang ibang ginawa kundi ang mag kwentuhan at mag lagay ng kung ano ano sa pag mumukha nila.
Naiiling na na naglakad na lang ako patungo roon, walang sereseremonyang umupo ako doon ng hindi iniintindi ang nga tingin nila ng mapansin ang presensiya ko.



Pakealam ko sakanila? mas gusto ko dito pumwesto.


Napairap ako sa hangin saka pabagsak na kinuha ang notebooks mula sa backpack ko.


"Oh! look girl! she's with us?!"

"Yeah, there's a lot of vacant place inside the libarary? bakit dito pa siya pumwesto?"



Napabuga na lang ako sa hangin dahil sa bulungan nilang obvious namang naririnig ko. Bored na nilingon ko sila na ikinatigil ng pag bubunganga nila, mahaba naman ang table kaya halos nag sheshare kami dito.




"Sa susunod na pag chichismisan niyo ako, wag naman yung naririnig ko" Itinaas ko ang kilay ko saka sila inismidan, maangas na inayos ko ang pag kaka suot ko ng cap. Kita ko ang bahagyang pag awang ng bibig nila sa sinabi ko saka tinapunan ang dalawang alam kong nag uusap kanina. "Lalo na kayo" Sarkastiko akong ngumiti habang tinatapunan ng matalim na tingin ang dalawang halos mag mukha nang clown dahil sa kapal ng make up.


Nag mukha na nga silang clown sa mga mukha nila isama mo pa ang mga bibig nilang talo pa ang manok sa kakaputak.



"Ha? K-Kami?" Tinuro pa nila ang mga sarili nila, mahina akong natawa.



"Ay! hindi! yung dalawang tanga na kinakausap ko?" Pamimilosopo ko, napansin ko ang panginnginig ng kamay nila ng tumayo mula sa kinauupuan nila.

"Y-You, b-bitch—!" Naputol ang iba niyang sasabihin ng pandilatan siya ng kasama niya.



"I think we better go, nawalan akong gana mag review dito" Ani ng kasama niya saka hinatak ito paalis sa harapan ko, di kalaunan sumunod na din ang ilang kasamahan nila.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon