-20-

1.3K 40 0
                                    

Sam's POV

Tahimik lang kami sa loob ng kotse ni Ivs,first time ko lang syang makasama ng kaming dalawa lang,Oo hindi naman kami masyadong malapit sa isa't isa,dahil kapag nag kakausap kami hindi namin mapigilan ang hindi magkainitan at mag barahan.Napaayos ako ng upo ng matanaw ko na ang Gate ng school ni Samuel.

"Baba"

"H-Ha?"

"Bumaba kana" Cold nyang sabi,bakit ba hindi nya kayang baguhin ang ekspresyon nya?. "Bababa ka ba?" Dugtong nya.

Dahil sa nagulat ako,hindi ko kasi namalayang naka tingin lang ako sa kanya.Inayos ko na ang bag ko saka iyon isinabit sa balikat ko.

"Hoy,hindi ka ba uuwi?" Tanong ko sakanya,hindi nya ako sinagot at saka na sya sumakay sa kotse nya.Pumasok naman ako sa gate ng school ni Samuel,maraming naka tingin sakin ngayon mga teachers,guards, janitors pati na rin ang mga parents ng mga bata dito,napa ismirk naman ako.

Pake nyo ba kung hindi ako kumportable dito sa suot ko?!

Kita ko sakanilang parang ang bibigat ng titig nila,na sinasabing Hindi sanay well,di na nila kelangan problemahin yun.Sakin na yun.

"Ateee!" Napatingin ako sa waiting shet ay este waiting shed, nandun si Samuel na nakaupo at kumakaway sa direksyon ko.

"Kanina ka pa ba jan?" tanong ko sakanya pero umiling lang ito.

"Ate let's go home,I'm starving" Sabi nya na umaaktong nagugutom na nakahawak pa sa tyan,umiling akong tiningnan sya.

Bakit kasi ngayon ka lang nag sabi?! ngayong wala pa akong dalang pera!

"Wala akong dalang pera" Sagot ko,ngumuso syang tiningnan ako.

"Naiinis ako kanina" Bigla nyang sabi,napa kunot ang noo kong tiningnan sya at pinantayan ang tayo nya.
"Nag away nanaman kami ni Jullian"

Manang mana talaga sa ate nya.

Bunsong kapatid ni Julie ang kaklase ng kapatid ko."Anong ginawa nya?"

"Sinira nya ang project ko" Nakanguso nyang sabi,sasagot sana ako ng mahagip ng paningin ko si Julie,ganun rin sya kaya nilapitan nya ako.

"Nandito ka pala?" sarkastiko nyang sabi,pero hindi ko sya sinagot "Nag sumbong saakin si Jullian,sinira ng kapatid mo ang project nya" Taas kilay nyang sabi,tiningnan ko naman si Samuel nakatingin lang sya kay Julie ng diretso."At ikaw? you look like your sister —naiingit ka lang sa kapatid ko—!!"

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon