-33-

1.2K 35 2
                                    

Sam's POV

Idinilat ko na ang mga mata ko dahil nasisinagan ang mukha ko ng araw,Umupo ako mula sa pag kakahiga at inihunat ang dalawang kamay ko.

"Aaaaaagh! pasok nanaman!" Wala sa sariling umangat ako sa kama at kinuha ang tuwalya sa cabinet para maligo na.

After 30 minutes..

Maayos na ang itsura ko,as usual uniform nanaman! ang galing kasi ng nanay ko eh!Sakto namang narinig ko ang boses ni Mama sa labas ng pinto ng kwarto ko.

"Saaam! pag baba mo isabay mo na ang mga labahan mong damit jan!"

Napatingin ako sa labahan ko..

Tambak.

"Geee!" Sigaw ko pabalik.Sinuot ko ang sapatos ko bago pumunta doon sa mga damit kong labahan na, inihiwalay ko ang puti sa de kolor.

White T shirt!

Shorts!

Natigilan ako ng makita ang puting panyo na may bahid na mga dugo.

Andito pa pala to! di ko man lang nalabhan!

Napabuntong hininga ako at inilagay iyon sa kama ko,pagkatapos kong paghiwalayin ang mga puti at de kolor ay binitbit ko na iyon hanggang sa pag baba ko.

"Alis nako ma" Saka ko inisinukbit ang bag sa isang balikat ko.

"Anak yung Boxer mo lumalabas nanaman sa palda mo" Aniya.binitawan ko ang bag ko at tinaas taas pa ang boxer shorts ko.

"Sige na ma mauna nako!" Saka ako nag madaling lumabas at sumakay sa kotse ko.

Mabilis kong pinaandar iyon papuntang Syntax kaya nakarating din ako ng maaga sa Syntax Parking lot,dali dali kong hinubad ang Black shoes ko at Isinuot ang dala kong Rubber shoes.

"Ayan!" Bumaba nako mula sa kotse ko ng may dumaang kotse.

Kung hindi ako nag kakamali kotse iyon ni Ken.
Nag patuloy ako sa pag lalakad ng may isa nanamang kotseng dumaan sa gilid ko,naningkit pa ang mata ko at pilit tandaan kung kaninong kotse ba iyon..

"Saam! andito ka pala! sakto sabay na tayo" Si Ken na kabababa lang ng kotse nya,maya maya ay nag park na rin yung kotse sa tabi ng pinag parkingan ng kotse ni Ken at bumaba doon ang isang lalaking naka yuniporme,lumingon ito sa direksyon ko habang isinusuot ang blazer nya..

at nag tama ang mga paningin naming dalawa..

Bumilis ang tibok ng puso ko...

Walang ibang lalaking bumaba sa kotseng iyon kundi ang impaktong si Ivan!

"Oh? ano pang hinihintay mo jan? malelate na tayo oh!" Si Ivs ang unang umiwas saamin,nag lakad nako para pumasok sa gate pero pinantayan naman ako ni Ken maliban kay Ivs na nararamdaman kong nasa likod lang na sumusunod."Oooops! ang tahimik ata ah?" Biglang usal ni Ken.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon