-41-

1K 28 2
                                    

Ken's POV



"Sagutin mo naman!" Mahina kong sabi,habang idina-dial ulit ang numero ni Ivs.Ilang beses ko na siyang tinawagan pero palagi na lang unattended!

Napabuntong hininga na lang ako ng hindi parin niya ito sinagot,saka ko pinalibot ang paningin sa buong sulok ng bahay nila Sam,pangalawang gabi na ng burol ni Tito ngayon.Tumayo ako saka nilapitan ang kabaong ni Tito para silipin iyon.

Napaka among mukha...

Ang mga mata nito ay minana talaga ni Sam sakaniya..

Yumuko ako...

Condolence po Tito...

"Parang ang hirap parin paniwalaan" Napatingin ako sa katabi kong biglang nag salita,si Sam na namumugto parin ang mga mata.

"Oo nga eh" Sagot ko na lang sakaniya.

"Andaya talaga ni Papa" Narinig ko ang peke niyang tawa.Huminga ako ng malalim saka hinaplos ang likuran niya saka tinapik tapik iyon.

"Ganyan talaga ang buhay Sam,sa una lang talaga mahirap pero habang tumatagal...makakaya mo rin tanggapin ang mga nangyari" Sambit ko sakaniya,napatingin siya saakin saka ngumiting tipid at sinuntok ako sa braso.

"Lumelevel up kana totoy Ken" Saka siya mahinang natawa.

Kahit papano nakaya ko paring patawanin ka...

"Ahm..." Tikhim niya "May tanong lang sana ako" Aniya sabay yuko ng ulo niya na parang nahihiya ito.

"Ano ba yun?" Kahit na alam ko ay nag panggap na lang ako na inosente sa pag akto niya ngayon.

"Si Iv-"

"Tinawagan ko hindi naman sumasagot" Nakangiti kong sabi,napatango tango naman siya habang kagat kagat ang pang iba bang labi niya "Bakit mo siya hinahanap?" May pang aasar kong tanong.

Mabilis niyang iniwas ang tingin niya saakin.

"N-Nasa harapan tayo ni Papa" Paalala niya saka mabilis na umalis,natawa ako ng mahina.

"Tito,nahihiya si Sam oh" Biro ko bago umalis sa harapan nun.Napahinto ako sa paglalakad ng bigla na lang mag vibrate ang ang phone ko saka ko iyon sinilip kung sino iyon.

'Anak ni Albert Einstein'(Ivs)... calling...

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang tumatawag si Ivs at mabilis na lumabas para doon sagutin ang tawag.

"Bakit ba ngayon ka lang tumawag?!" Inis na sabi ko sakaniya,narinig ko pa ang mahina niyang pag 'Tss!'

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon