Sam's POV
Mabilis kong hinawi ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko,habang naka upo ngayon sa pinakaharap katabi sila Mama at Samuel,sa bandang likuran naman naka upo sila Jay,maliban kay Ivs na hindi ko ngayon makita habang ang pari naman ay pinag dadasal ang pagkamatay ni Papa.
Libing ngayon ni Papa,pinag bigyan naman ako ni Mama na suotin ang Itim kong T-shirt at pantalon na rin, imbes na pasuotin niya ako ng bestida.
"Sam anak,pumunta kana doon sa harapan..." Napaangat ako ng tingin kay Mama saka niya dahang dahang hinawakan ang kamay ko at pinisil iyon.Tumango ako at maingat na tumayo papunta sa harapan nila saka kinuha ang papel sa bulsa ng suot kong pantalon para basahin iyon, bumuntong hininga bago mag salita.
"T-To my dear Papa..." Panimula ko,umangat ako ng tingin sa lahat ng taong nandoon na nakatingin rin saakin pati narin si Mama na tinanguhan na lang ako bago ipagpatuloy ang pag babasa."Pa,hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari...nung isang araw naka usap pa lang kita tas kinabukasan madadatnan na lang kitang mahimbing nang n-natutulog..." Tumingin ako sa itaas para pigilan ang luhang nag sisimula nang manubig "Bakit ganun...sayang pa naman kasi may i-kukwento pa naman sana ako sayo" Mahina akong natawa ng maalala ang mga pinag kuwentuhan naming dalawa. "Pero ngayon,parang hindi ko na yun magagawa pa...wala ka na eh,alam mo pa,ma-mimiss ko yung mga pang aasar mo saakin tuwing ikinukuwento ko si—" Napatigil ako sa pag babasa ng mapagtanto kong nakasama pala sa sulat na ito si Ivs! "Ahm...yung mga k-kaibigan kong loko loko" Palusot ko na lang ng makitang mukhang lahat ng tao doon ay naka kunot ang noong nakatingin saakin,yumuko ako.
Muntikan na Sam!
Nag patuloy ako sa pag babasa hanggang sa matapos ko ito habang pigil parin ang pag luha ko "Ma-mimiss kita papa,love Sam" Saka ako mabilis na yumuko at pasimpleng hinawi ang mga luhang nagsimula nang nag uunahang mag si daloy sa pisngi ko.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...