-38-

1.1K 29 0
                                    

A/N : Maging aware po kayo sa mga wrong text types dito sa chapter na to,kayo na lang po bahalang umintindi salamat .Enjoy reading

Sam's POV

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung nabigyan kami ni Ivs ng punishment,as usual naging maingay nanaman ang room dahil mamayang alas otso gaganapin ang Send off namin.

"Dre! sino date mo?"

"Wala akong date hahaha!"

Bulungan dito,bulungan doon.
Kung pwede lang sanang mag jeans mamaya sa party,fvck kanina ko pa hinanda yun!

"Mauna nako" Paalam ko kila Mike,busy silang apat sa pag uusap ng mag tama ang paningin naming dalawa ni Ivs ngunit sya ang unang umiwas..

Tinanguhan naman nila ako saka ako lumabas ng room.Open gate kami ngayon dahil abala ang lahat sa pag o-organize ng event mamayang gabi.Dumeretso ako sa Syntax parking lot,at nagsimula nakong paandarin ang kotse ko papunta sa Ospital para bisitahin si Papa.

~*~

"May send off kayo?" Tanong saakin ni Papa matapos kong sabihin sakanya na abala ang lahat ng mga professors para tumulong sa pag o-organize para sa gaganaping event mamayang gabi.

"Oo,foundation day kasi sa Syntax kaya sinali na rin ang send off para lahat ng mg estudyante doon mag enjoy rin" Tamad na sagot ko,habang nakahilig ang ulo sa mini sofa sa silid ni Papa.

"Kung ganun? ano pang hinihintay mo?" Tanong nya.

"Mamaya pa yun Pa" Tamad na sagot ko.

"Nasabihan mo na ba ang Mama mo?"

"Hindi pa,parang ayoko pumunta dun" Saka ako umayos ng upo. "Wala naman kasi akong gagawin dun,mag tutunganga lang habang tinitingnan silang lahat na nagsasaya?" I rolled my eyes.

"Samantha, last year na nagkaroon kayo ng sayawan hindi ka naman umattend pati ba naman ngayong first year collage mo kahit send off palalagpasin mo pa?" Usal ni papa,napatingin ako sakanya.
Nung Senior high pa kasi ako nun kahit mga sayawan hindi ako uma-attend.
Walang imik akong nakatingin sakaniya ng dagdagan niya pa ang sasabihin niya "Oh sige,ano bang rason mo kung bakit ayaw mo sa mga ganung okasyon?" He said with a challenging voice.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon