-26-

1.3K 31 0
                                    

Sam's POV

Kinabukasan...

"Teka wag mong sabihing absent nanaman?"

"Kita mo na nga diba?!"

"Malay mo nag ko commute yon!"

"G*go! may sariling sasakyan yon!"

"Hoy! ang aga aga ang ingay nyo!" Sigaw ko sakanila,kakapasok ko pa lang boses na agad nila ang unang narinig ko.
Nagkatinginan naman silang dalawa,kaya inilibot ko ang paningin ko sa buong silid,magkatabi si Ken at Mike ngayon,Si Jay naman kausap si Anthony at si Iv-!!

Nasan na yun?

"T*nga! nakausap ko nga yon kahapon diba?!" Sigaw ni Mike kay Ken.

"Ano raw sabi?" Tanong naman nya.

"Baka raw hindi muna sya makapasok ngayon!" Sagot ni Mike sakanya,napatingin ako sakanya bago tumuloy sa upuan ko "Nice nag uniform ulit hehehe! dinadalasan na ah?" Sabi nya ng mapansin ako,pero hindi ko na lang sya pinansin at nag tuloy tuloy lang papunta sa upuan ko.

Pinasuot ulit ako ni mama kaya wala akong choice kundi sundin na lang raw sya,nang mapatong ko na ang bag ko sa upuan ko saka ako muling tumingin ulit kay Mike at Ken. "Bakit raw sya umabsent?" Tanong ko sakanila.

O______O??? ---------> Silang dalawa.

Tssss! unbelievable right? na mismong ako pa ang nag tanong.

"Kelan kapa nagkaroon ng pake sakanya?" Mike.

"Eh naiinis ka rin naman don!" Pag sang ayon ni Ken,napailing na lang akong tiningnan sila at tumawa ng sarkastiko.

"Big deal? tinatanong lang naman" Sabi ko at tuminging muli kay Mike,kita ko ang adams apple nyang baba,taas.Lumulunok pa.

"Ewan ko dun! yun ang sabi sakin e" Sabi nya at nakipag usap na kay Ken,tuluyan nakong umupo sa upuan ko habang nag babasa naman sa tabi ko si Ellie.

"Kamusta na?" Tanong ko sakanya,natigil naman sya sa pagbabasa at tuminging muli saakin.

"O-Okay lang-"

"Napano yan?" alalang tanong ko na may tatlong guhit sa kabilang pisngi nya at may putok ang labi nya,bigla nya naman kaagad iniwas ang mukha nya "Napano yang mukha mo?" Pag uulit ko.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon