A/N: Ivan at the media! thanks!SAM POV
Nagulat ako nang biglang binalikan niya ako ng tingin mula kay Sir William. Halos murahin ko nanaman ang mokong na ito sa isipan ko.
Bakit andito to!?
"May klase kami," sabi niya, sulyap sa kamay na nakahawak sa akin, "May special project kaming kailangang tapusin." Hindi ko matigil ang tingin ko sa kanya, at ilang beses akong napalunok dahil sa higpit ng hawak niya sa kamay ko.
"Sigurado ka ba?" pabalik-balik ang tingin niya sa amin ni Ivan, tila nag-aalinlangan pa kung tatanggalin niya ang hawak sa kamay ko.
Napatingin ako kay Ivan at marahang tumango.
"Dapat sinabi mo sa akin," mariing sabi ko, na medyo umayuko dahil sa init ng tingin niya.
"Tara na sa Library," ang sabi ko na walang ekspresiyon, at marahang tumango si Ivan sa sinabi ko.
Sabay kaming nagpaalam bago namin siya talikuran at magsimula ng maglakad, pinapalayo ang distansiya hanggang sa tuluyang mawala ang presensiya ni Sir William bago ako magsalita.
"Anong ginawa mo!?" singhal ko sakaniya, ni hindi man lang niya ako binalikan at diretso pa rin ang tingin.
"Wag ka nang magtanong," inagaw ko ang headphones niya na nasa kamay, na tila isasaksak niya sa tenga.
"Paano kung madamay ka nanaman?" Sandali siyang natigilan bago ako tingnan. "Wala namang problema kung dalhin niya ako sa Principal's Office—" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"Hindi mo din gustuhin kung sakaling dalhin ka doon," malamig niyang sabi sa akin, at napahakbang ako paatras dahil hindi ako sanay sa lamig ng tingin niya. "Magpasalamat ka na lang at hindi ka niya tuluyang nakaladkad papunta sa office niya," sabay pamulsa ng isa niyang kamay sa kabilang bulsa.
"Saka na ako magpapasalamat pag natuwa ako sa ginawa mo—" napatingin ako sa kamay niyang inaalok sa akin.
"Akin na," aniya.
"H-Ha?" Nakita ko ang pagbaba ng tingin niya sa kamay ko, na tila tinutukoy ang hawak ko.
Hindi ko pala namalayang hawak ko pa rin pala ang headphones niya.
"Tss! Sabi ko akin na 'yan," sabay agaw niya sa kamay ko bago niya ako tuluyang talikuran at naglakad papuntang library.
Aish! Bakit ba masyadong seryoso ang isang 'to?!
Napairap ako sa hangin nang maalala ko ang ginawa niya kanina, na hindi man lang niya naisip na madadamay siya sa ginagawa niya.
Silang apat na palagi kong nadadamay—
Teka? Nasaan na yung tatlo?
Napasinghap ako sa hangin, siguradong nasa kantina ang mga 'yon, hindi man nila naisipang hintayin ako?
---
"Mayroon na namang reklamo mula kay Miss Estacio," mariin kaming tinitingnan ni Mrs. Villafuerte habang hawak ang pointer stick sa isa niyang kamay.
Kasalukuyan kaming nasa loob ng silid-aralan ngayon, walang ibang estudyante maliban sa amin na lima, at ang ingay lamang ng pagtiklop ko ng ballpen sa mesa at ang boses ni Prof ang bumabalot sa loob ng silid.
Matapos ang ilang minor subjects namin, pinauwi kami ni Professor Villafuerte, na aming propesor sa major subject, dahil mayroon kaming pag-uusapan.
At heto kami ngayon, wala akong gana na magalit ngayon dahil patuloy pa rin sa aking isipan ang nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...