SAM'S POV
Deretso lang ang lakad ko papasok sa room hanggang sa marating ko ang upuan ko ng mapatingin ako sa bagong pasok rin na kasunod ko, ang transferee na si Ellie.
"Sam"
Tinapunan ko siya ng tingin saka pabagsak na umupo sa upuan ko, naramdaman ko ang presensiya na mula sa likuran ko hanggang sa umupo siya sa bakanteng upuan na katabi ng inuupuan ko.
Napa hawak ako sa kabilang sentido ko ng hindi tumitingin sakaniya.
Matapos kong mag pa kalma ng ilang minuto kanina sa library ay napagdesiyunan kong iwan na sila doon, tutal ay panay lang ang kwentuhan nilang lima."Nasan na sila?" Tanong ko habang inilalabas ang phone ko mula sa bag ko ng hindi parin bumabaling sakaniya.
Nagsimula na akong mag laro ng games sa cellphone ko habang naririnig ko ang pag buntong hininga niya bago sumagot sa tanong ko.
"Iniwan ko na sila, may kausap kasi si Ivan na babae" Mahina niyang sabi, ngunit sapat na iyon para marinig ko dahilan para matigil ako sa pag lalaro at mabaling ang buong atensiyon ko sakaniya.
Sino namang babae?
"Sinong babae naman?"
"Jul... uhm.. Julia? ay hindi! Julie ata pangalan nun" Kibit balikat niyang sagot, pabagsak kong naisandal ang likuran sa kinauupuan ko saka ipinagkrus ang mga braso sa harapan ng dibdib. "..Ahm...sige na, babalik na ako sa upuan ko" Hindi ko na siya sinagot pa, bago siya bumalik sa kinauupuan niya.
"Tsss,bahala sila" Napabuga ako ng hangin bago mag patuloy sa pag lalaro.
Busy ang lahat samantalang ako ay nasa kalangitnaan na ng pag lalaro ng bumukas ang pinto ng room at iniluwa roon ang inaasahan kong grupo ng apat na kababaihan,hindi na ako mag tataka kung bakit bigla na lang umingay sa bawat sulok ng silid.
Napaismid ako.
"Hoy! hindi kayo nang hintay ah!"
Napairap ako sa nag salita mula sa di kalayuan, si Ken na kasalukuyang naka nguso ngayon sa akin, hindi ko na lang siya binigyan pa ng pansin at mas pinili na lang na ituon ang paningin sa cellphone ko para mag patuloy sa pag lalaro."Iba ata aura mo ah?""Ang ingay mo, manahimik ka" Inis na sabi ko sakaniya ng maramdaman ko ang presensiya niya mula sa likuran ko.
"Hoy ano nanamang ginawa mo kay Sam! nag tatampo yan" Segunda pa ni Mike, nasa likuran ko na sila ngayon kahit hindi ko sila tapunan ng tingin.
Mga isip bata parin talaga sila hanggang ngayon.
Naputol ang pag uusap ni Ken at Mike ng biglang umeksena sa harapan naming lahat ang homeroom president naming si Anthony.
"Guys! Guys! wala raw tayong leksyon ngayon!"
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...