-45-

995 30 0
                                    

Sam's POV

Halos ilang gabi akong hindi nakatulog dahil sa halik na iyon,ngunit mas lalong nangunguna sa isipan ko ang di namin pag kakaintindihan ni Jay,kasalukuyang dadaan ako ngayon sa hall patungo sa silid at pilit iniiwasan ang mga estudyanteng ang mga tingin nila ay di maputol putol sa akin.

Nababasa ko ang mga nakikita ko sa mga mata nila,na para bang naninibago ulit sa itsura ko..Simula kasi nung pumanaw si papa ay hinayaan na lang ako ni Mama na suotin ang mga dati kong dinadamit,katulad ng mga V-neck shirts, pants at Cap.Mas pinili ko na lang na hindi sila intindihin kung ano man ang nakikita nila ngayon sakin.

"Oh,break na pala kayo ni Jacob?" She said with a sarcastic tone.Saktong siya pa ang nakasalubong ko at huminto pa sa harapan ko.

Tang*na kay aga aga may asungot nanaman ang bumungad sakin!

"Ambilis mo talaga maka laganap ng balita noh?" Binigyan ko siya ng mapanuring mga mata "...kung sabihin kong oo?" Ani ko,bago siya lampasan at banggain ang kabila niyang balikat.

Mas okay na siguro yung sabihin ko na lang yon.

Nakakailang hakbang pa lang ako ng marinig ko ulit ang boses niya.

"Kasi ikaw" Aniya,napahinto ako sa paglalakad at nakataas ang isang kilay na binalingan siya"...Lahat ata ng negative sa babae napunta sayo,kaya possible na hiwalayan ka niya...hmmm" Pinag masdan niya ako mula ulo hanggang paa "...try to look at your self,you're so cheap!" Sabay pinag krus niya ang mga braso niya sa dibdib niya saka maarteng naglakad at nilampasan ako.

Ang babaeng yun talaga.

Salubong ang kilay ko na nag lakad patungo sa building namin ng makasalubong ko si Jay,bumuntong huminga ako ng malalim  saka mariing ipinikit ang mga mata bago lumapit sakaniya,isang linggo na rin kaming hindi nag papansinan.

"Jay—"

"Tsk,mambubuysit ka nanaman ba?" He said with his flat voice,di ko mabasa ang ilang emosyon sa mga mata niya pero isa lang ang nakikita kong nangingibabaw doon.

Galit.

"Hindi ako mambubuysit" I droop my head and firmly closed my eyes "I just want to say s-sorry—"

He laugh bitterly.

"Matatanggal ba ng sorry mo yung sakit dito?" Tinuro niya ang isa niyang dibdib kung saan naroroon ang puso niya,umiling ako."Hindi naman pala eh,alis na ako,hindi ko kelangan ng sorry mo" Lalagpasan sana niya ako ng magsalita ako.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon