-35-

1.1K 33 4
                                    

Sam's POV

Inilabas ko ang mga damit ko para makanap ng matinong susuotin mamaya sa birthday ni Ellie,Kakatapos lang ng klase namin kaya matinding pag hahanda ang ginawa namin.

"Sam anak—Bakit ang kalat ng closet mo?" Si Mama na kakapasok pa lang sa kwarto ko,umupo ako sa gilid ng kama ko at pinagmasdan ang mga damit kong nagkakalat.

"Asan ang mga Jeans ko ma?" Tanong ko sakanya,Sana naman pagbigyan nya na ako! namiss ko nang mag maong! isang maong lang naman kasi ang iniwan nya sa Closet ko.

"Para saan nanaman?" Taas kilay na tanong saakin ni Mama!

"Aattend akong birthday party ng kaklase ko" Bumaba ang tingin nya saakin.

"Ikaw talaga! mag dress ka na lang kasi!" Nalag lag ang panga kong sinalubong ang mga titig nya.

"Ha?! ayoko nga! maong lang naman ang hinahanap ko ah!"

"Pag ibibigay ko ang jeans mo,mag lugay ka lang na pumunta doon ah! maliwanag?" 

"Opo! asaan na?" Bored na tanong ko.

"Sa ilalim ng kama namin ng Papa mo" Sagot nya saakin,mabilis kong tinakbo ang kwarto nila,saka ako sumilip sa ilalim ng kama at doon ko nakita ang mga dati kong sinusuot!

Sayang to kung di ko magagamit nyemas!

"Maaa!"

"Oh? nakita mo na diba?" Boses ni Mama mula sa likuran ko kaya nilingon ko sya.

"Yung cap ko?" Tanong ko.

"Wag ka nang mag Cap! mag lugay ka lang" Ma otoridad na sabi nya saakin "Bilisan mo anong oras  ba ang party ?"

"8:00 pm" Tipid na sagot ko.Tumango naman si Mama at umalis na,tumingin ako sa wall clock ng kwarto nila Mama at doon ko nakitang 5:47 pm na pala,masyado pang maaga,kaya pupunta ako kay papa ngayon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay bumungad saakin si Samuel na may dalang bowl na nag lalamang cereals.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya,tiningnan naman nya ako at nilagpasan lang ako.

Aba! nag susungit na ang batang to!

"Nag tatampo ako sayo ate!"

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon