-17-

1.3K 39 0
                                    

Sam's POV




Tambay dito,tambay doon,higa dito,higa doon.Napaka presko sa lugar na to pakiramdam ko parang ang sarap matulog dito kahit na anong oras.
Kasalukuyang nasa malawak na hardin ako ngayon ng University namin, walang ibang tao kundi ako lang.

"Sam" Napa ayos ako mula sa pagkakaupo sa ilalim ng punong pinag pupwestuhan ko ng makita ko ang lalaking patakbong tumungo sa direksiyon ko.

"Oh?"

"What happened to your face?" Bakas sa mukha niya ang pag aalala ng pagmasdan ako,iniwas ko ang mukha ko sakaniya at itinuon sa kawalan ang tingin.

"Tapos na ba ang klase? bat nandito ka?" kapungkawan tanong ko, tumayo ako mula sa pag kakaupo,parehas na kami ngayong naka tayo.

"Nagtaka si Professor kung bakit hindi ka na naka balik" Umismid ako saka humakbang para lagpasan sana siya ng hawakan niya ang braso ko.

"Oh?"

Sinalubong niya ang tingin ko sakaniya saka niya ako pinaka titigan ng mariin, ilang sandaling katahimikan ang namayani saming dalawa bago ako mag salita.

"Bitawan mo nga ako, papasok na ako"

Sa halip na bitawan niya ako ay hinawakan niya ang baba ko at inangat sa mukha niya gamit ang isa niya pang kamay habang nanatiling hawak ng isa niya pang kamay ang braso ko.

"Maganda ka ngaTinaasan ko siya ng kilay bago iiwas ang paningin sakaniya.

"Kung bobolahin mo lang naman ako, ishoot mo na lang yan sa ring!" Natahimik siya sa sinabi ko."Bakit nandito ka?"

Nagkibit balikat lang ang gago.

"Nga pala ako yung na elect" Umangat ang tingin ko sakaniya saka niya ako kinindatan dahilan para mapangiwi ako.

"A-Ano? escort? ikaw? ikaw ang escort ko?" Tumango siya sa Tanong ko.

"Gwapo naman ako"

Hindi ko na lang siya pinansin pa dahil alam kong nag hahangin nanaman siya sa mga oras na ito bagkus naglakad ako pabalik sa punong sinusilungan ko ng biglang uminit sa kinatatayuan naming dalawa.

"Mag cucutting ako ulit ngayon, pumasok kana" Sabi ko ng maramdaman kong tumabi siya sa akin.

"Sasamahan kita" Napailing na lang ako sa sinabi niya, napansin kong parang nag iba ang ihip ng hangin sa pagitan naming dalawa. "... Sam"

"Ano nanaman? pumasok kana sa klase" Inis na sabi ko sakaniya, nakita kong bigla siyang ngumiti bago humarap sakin.
Nakita ko ang sabay na pag angat ng dalawa niyang kamay hangang sa hawak na niya ngayon ang magkabila kong pisngi, hindi parin maputol ang ngiti niya sa labi.
"Anong ginagawa mo?" Laking pasasalamat ko at hindi ako nautal sa harapan niya.

"I like you..."

Nung una akala ko nag bibiro lang siya, kalaunan nakita ko ang kakaibang kislap sa mga mata niya habang tinitingnan ang buong mukha ko.

Ano bang ginagawa niya?

Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin parin sakaniya, hindi ko magawang makapag salita sa mga oras na ito.
Parang naninibago ako kay Jay ang wirdo niya sa mga oras na ito.

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon