JACOB POV
Tamad na pinalupaypay ko ang ulo ko sa sinasandalan kong upuan, kanina pa ako tapos at wala akong ibang maisip na gagawin bukod sa panoorin isa isa ang mga tao dito sa kaniya kaniyang ginagawa.
Sandaling natigil ang paningin ko sa pinag pupwestuhan ni Sam kung saan siya nakaupo, sa bandang unahan ko. Mukhang abala din ito sa ginagawa kaya napag desisyunan kong ilapit ang upuan ko malapit sa kinauupuan niya.
"Hindi ka pa tapos?" Tanong ko ng makitang naka bukas padin ang kwaderno at nandoon pa din ang iilang blankong numero na wala pang nasasagutan.
"Ano sa tingin mo?" Sarkastiko niyang sabi na ikinatawa ko.
Napakainit talaga ng ulo ng babaeng 'to.
Ipinatong ko ang mukha ko sa sandalan ng upuan niya saka pinag masdan ang pag sagot niya, kasabay ng pag salubong ng dalawa kong kilay.
"Mali yang formula mo" Ani ko saka ko kinuha mula sa ibabaw ng upuan niya ang notes niya.
"Anong mali?" Sumilip din ito sa notes niyang hawak ko "Alin diyan ang mali?" baling niya pabalik sa'kin.
"Yang formula mo kamo, mali" Napailing ako saka iniabot ang ballpen sa desk niya para isulat ang formula sa notes niya.
"Si Ivan nag bigay ng formula" Aniya, napatigil ako sa pag susulat saka siya tiningnan.
"Nag usap kayo?" Hindi ko matago ang pagkamangha sa boses ko. "Nag bangayan nanaman ba kayo—" Mabilis niyang itinaas ang hintuturo niya saka matalim akong tiningnan.
"Akin na, kailangan kong tapusin to" Mabilis niyang naagaw ang notes niyang hawak ko sa kamay ko at hindi na ako binalingan pa bago ilagay sa magkabilang tainga ang earphones niya.
"Mali nga yung formula mo" Pag babalik ko sa usapan, akmang kukunin ko nanaman sana ang notes niya ng may nag salita di kalayuan sa kinauupuan ko.
"Minsan sa isang given dalawa ang formula na pwedeng gamitin, pero iisa padin ang sagot na lalabas. " Malamig niyang sabi, hindi ko mapigilan ang pag salubong ng kilay ko sa sinabi niya.
"Paano mo nasabi?" Napa taas ako ng isang kilay saka napangiti sa kawalan.
Hindi niya ako sinagot, bagkus kinuha niya ang notes sa ibabaw niya saka inihagis sa'kin na agad ko din namang nasalo.
"Tingnan mo sagot ko, ganoon din sayo" Napa ismid na lamang ako at kinuha ang notes ko saka pinag kumpara ang gawa namin.
Di ko naisip to ah?
Parehas ng kami ng sagot, pero sa mag ka ibang paraan ang ginamit namin para makuha ang sagot.
"Ang formula na binigay ko sakaniya ang pinaka madaling paraan para makuha ang sagot" Sabay kaming napa sulyap na dalawa kay Sam na ngayon ay naka headphones na din habang abala sa ginagawa.
"Nice" Kibit balikat kong sabi.
"Good morning!" Lahat kami napatingin sa bagong pasok na si Professor Wilma, naka handa na ang sumusupil na ngiti sa mga labi niya ng ipatong ang librong hawak sa kaniyang mesa.
"We will be having our graded recitation today!" Inilang bukas niya lamang librong hawak niya bago inilibot ang tingin sa kabuuhan ng silid, hanggang sa mag simula na siyang mag tawag. "Mister Go"
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...