-43-

1K 31 0
                                    

Sam's POV



Kinusot ko ang mga mata ko bago imulat ang mga ito,bungad kaagad saakin ang isang hindi pamilyar na kuwarto...

P-Pang lalaki to ah?

Tamad na tumayo ako mula sa kama,saka pinagmasdan ang kabuuhan ng kwartong ito,doon ko napag tantong...

Holy sh*t!?

K-Kuwarto ba ito ni Ivan?!

Mabilis kong inayos ang sarili ko saka diretsong lumabas sa pinto ng kuwartong iyon,nakapunta na ako dito noon pero medyo nakalimutan ko na ang pasikot sikot dito dahil masyadong malawak ang bahay nila.Bumaba ako mula sa malaking hagdan ng kanilang bahay at bumungad kaagad saakin si Ivs na abalang nag babasa sa kanilang sala,nakaupo siya malapit sa mala salamin nilang ding ding kung saan tanaw na tanaw ang kanilang hardin.

Napakagat ako sa ibabang labi ng wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko.
Umangat ang tingin niya sa direksyon ko saka niya binitawan ang hawak niyang libro.

"Mag almusal kana dun" aniya,bago tumayo mula sa kinauupuan niya.Mababakas mo talagang kakatapos niya lang maligo dahil basa pa ang kanyang buhok. "Kumasya pala" Aniya,ng pagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa,bago siya nag tungo sa dinning area ng kanilang bahay.

Agad nanlaki ang mga mata ko ng mapansing,Iba na ang suot ko,naka suot ako ngayon ng plain blue V neck shirt at isang pedal shorts,pakiramdam ko ay bigla na lang nag usok ang ilong ko.

Malalaki ang hakbang kong tinungo ang dinning area nila at doon ko naabutang abala si Ivs sa pag aayos ng mga makakain,mabilis ko siyang nilapitan at kinuwelyuhan.

Nyeta!

"Hoy!" Ani ko sakaniya "Inabuso mo ba ako kagabi?!" Singhal ko sakaniya,kumunot ang noo niya saka sinalubong ang mga matatalim kong tingin.

"Ano bang sinasabi mo?" Walang emosyon niyang sabi.

"Aba! nag ma-maang-maangan kapa ah—" Akmang sasalubong sana ang isa kong kamao sa kaniyang mukha ng bigla na lang niyang hinawakan ang kamay kong naka kuwelyo sa damit niya at walang kahirap hirap na tinanggal iyon.

"Hindi ako ang nag bihis sayo" Malumanay niyang sabi "Wag ka ngang maging assuming" Aniya,bago niya ako iwan sa kinatatayuan ko.

Shit!

"E-Edi sino?" Napatigil ito sa pag aayos ng mga kubyertos saka binaling ang atensyon saakin.

"Si Aling Mei...kasambahay namin dito" Tipid niyang sagot. "Nandun na rin yung iba mong damit naka sampay sa roof top" Dugtong nito.

Naramdaman ko na lang ang pag-awang ng bibig ko.

Sam! pinapahiya mo nanaman sarili mo!

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon