Samantha's POV
*A/N : Si Julie yung nasa Media thanks!!*
Nanatili lang akong nakaupo sa upuan ko habang pinag mamasdan ang mga kaklase kong nag uunahan nang lumabas ng silid ng maunang lumabas si Professor senyales na dismissed na ang klase niya.
"Nice naka perfect!" umangat ang tingin ko sa lalaking nag salita mula sa likuran ko, kinunutan ko lang siya bago ibaling ang tingin kila Ken na seryosong nag uusap usap habang si Ivan naman ay parang walang interest na makinig sa usapan nila.
Wala ako sa mood makipag usap sakanila, mamaya na lang siguro pag sama sama na kaming pumunta ng Canteen.
Naputol ang tingim ko sa direksiyon nila Ken ng marinig ko ang hagikhikan ng mga kababaihan sa kabilang gilid ko.Sila nga, hindi nga ako nagkamali.
Nakita kong masayang nag uusap usap sila Julie at ang tatlo niyang alipores na si Roxette, Trixie at Rose.
Sossy Girls
Ang weird ng group name nila no? ang leader nila si Julie na walang ibang ginawa kundi ang ikumpara ang sarili nya saakin simula nung Elementary kami hanggang sa umabot kaming Collage ganun lang rin ang ginagawa nya.
Umismid ako ng mag tama ang paningin naming dalawa, kasabay ng pag taas rin ng isa niyang kilay.Inilipat ko na lang ang atensyon ko kila Ken, mukhang nag tatawanan parin sila, kaya lumapit na ako sa direksiyon nila para pakinggan ang pinag uusapan nilang apat.
"Oh?! Sam, nandyan ka pala" Pansin sakin ni Mike ng pumwesto ako sa tabi niya.
"Di ba obvious?" Sarkastikong sabi ko.
"Haaaay naku! Tara na nanjan na si Sam, mag lunch na tayo" Singit bigla ni Ken, sabay sabay na kaming sumang ayon sa sinabi niya bago bumalik sa kaniya kaniya naming upuan para kunin ang mga pera namin.
Nanatiling tahimik lang ako at nakikinig sakanila na panay lang ang kwentuhan at tawanan habang nag lalakad kami patungong canteen, kasalukuyang pinag uusapan lang naman nila ay ang mga kalokohan nilang apat nung grade five pa sila, ang mga oras na hindi pa ako nakikilala ng apat na ito.Hindi ko naman magawang makasabay sa pinag uusapan nila dahil mga panahon ng kabataan pa nilang apat ang usapan.
"Hahahaha! Oo nga, diba binato pa sya ni Teacher nun ng Chalk?!" Nakuha ni Mike ang atensiyon ko dahil sa sinabi, bumaling sakaniya si Ken na halatang inaalala pa ang sinabi sakaniya ni Mike.
"Sinong binato ng Chalk?" Hindi ko maiwasang hindi mag tanong sa pinaguusapan nila.
"Ah—oo! hahaha! si Ivs hahaha! panay kasi ang harutan nila ni Jay kaya sya yung binato ni Teacher nun!" Pag kukwento ni Ken, sabay sabay kaming bumaling kay Ivs na napa Tss lang sa mga sinabi ni Ken, samantalang si Jay naman ay biglang natawa.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...