Sam's POV
Apat na araw!
Shet! wala akong nakitang ni anino niya sa apat na araw?!
Ni isa wala akong natanggap na balita kung ano na bang nangyari sakaniya?!
Inis kong ikinuyom ang mga kamao ko.
"Shit" I hissed.
"Sam?" Inis kong pinilig ang ulo ko kay Mike at Ken na magkasama "Tara,sabay sabay na tayong mag Lunch?" Tanong niya ng may ngiti sa labi,tumango ako.
Nanatili akong tahimik habang nag lalakad kasama sila,patungong canteen.Kanina pa silang dalawa nag tatawanan eh halos hindi nga ako maka relate sa usapan nilang dalawa dahil wala ako sa mood ang kausapin ang mga to.Hanggang sa makarating kaming canteen ay si Ken na ang umorder ng foods naming tatlo.
Oo,tatlo kami ngayon dahil nga sa may hindi kami pag kakaintindihan ni Jay at ang pag liban ni Impakto sa klase namin.
"Ang tahimik mo ah?" Basag ni Mike sa katahimikan,napabaling ako sakaniya. "Alam kong iniisip mo na tayong tatlo na lang palagi ang magkakasama sa apat na araw" Dugtong niya pa.Sa apat na araw silang dalawa lang ang nakakasama ko at nakakasabay kumain tuwing lunch break.
"Galit parin si Jay saakin" Tipid na sagot ko,dudugtungan ko sana ang sasabihin ko ng akalaing si Ken ang pumatong ng tray sa ibabaw ng table namin,kasabay ang pag angat ng tingin ko kung sino ang nagpatong niyon.
Si Jay.
"Pwede maki share ng table?" Umismid pa siya.
"Wala nang bakante—" Pinutol ko ang sasabihin ni Mike.
"Sige—" Tipid na ngumiti ako,gusto ko na ring mag kaayos kami at bumalik ang pagkakaibigan namin kaya siguro ito na lang ang paraan.
"Oh,no need sa iba na lang ako pupuwesto" Aniya,saka kinuha ang tray niya na may lamang pagkain niya.Tiningnan ko ng masama si Mike.
"Tsk! ano bang problema mo? yun na nga yung paraan ko para magkaayos na kami—" Pinukol niya ako ng seryoso niyang mukha.
"Sa tingin mo ba gusto rin namin siya ni Ken makaayos?" Aniya.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...