Sam's POV
Nagising ako ng madaling araw, kinusot ko ang dalawang mata ko bago bumaba para pumunta sa kusina at uminom ng tubig, tahimik ang buong kabahayan halos lahat ng tao ay tulog parin.
Pagkatapos kong uminom ay napag desisyunan kong mag tungo sa kwarto ni Samuel na mahimbing paring natutulogNapangiti ako habang pinag mamasdan siyang payapang nananaginip at humihilik pa.
Tahimik akong nag lakad patungo sa gilid ng kama niya at umupo roon, sinuklay ko ang ilang hibla ng buhok niya.
"Sam? anak? gising kana pala"
"Ay punyeta—"
Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa boses ni Mama, napabaling ako sakaniya habang sapo ang dibdib ko, nakasuot parin siya ng pantulog niya.
"Ma! naman hilig mong manggulat" Bumuntong hininga siya saka umirap.
"Masyado ka lang OA. " Napanguso na lang ako sa sagot niya saka ibinaling ang paningin kay Samuel na mahimbing paring natutulog.
"Oh? ayusin mo na sarili mo at mag luluto lang ako sa baba" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya bago siya mag salitang muli. "Nakakasawa kang tingnan jan sa itsura mo" Pinag masdan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Anong problema sa itsura ko?"
"Kinasanayan mo na talaga ano?" Sabay taas ng isa niyang kilay saka humilig sa pintuan.
"Ang alin nanaman—!"
"Hmmm.." Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil sa biglang pag galaw ni Samuel sa higaan niya, pinanlakihan ako ng mata ni Mama.
"Ang ingay mo, hinaan mo nga lang boses mo, kita mo namang natutulog pa yang kapatid mo." Napairap na lang ako sa hangin ng pandilatan niya ako."Ang ibig kong sabihin naka sanayan mo na talaga ang ganyang suot kahit na tutulog" Pag babalik nya sa usapan namin,dun ko lang napagtanto ang ibig niyang sabihin.
"Wala namang mali ah?" Saka sinulyapan ang suot ko.
"Sinong matutuwa sa suot mo ha? Wag ka nang mag suot ng boxer, wear cycling instead " Ngiwi niya habang pinag mamasdan ako mula ulo hanggang paa.
"Si Mama naman! Tsk tsk" Naiiling kong sabi saka umiwas ng paningin "Gayahin mo kasi ako ma, ang presko kaya sa katawan pag ganito suot pag matutulog" Tumayo ako saka siya inakbayan habang binibida ang suot na damit.
"Tsk! tsk! Presko presko ka jan" Inalis niya ang kamay ko mula sa pag kaka akbay bago tuluyang lisanin ang kwarto ni Samuel.
Hay buhay!
Ilang sandali muna akong nanatili sa loob ng kwarto ni Samuel bago ko nagpag desisyunang bumalik sa loob ng kwarto ko para ihanda ang damit na susuotin ko mamayang pag pasok ko.
Inilatag ko sa kama ko ang itim na checkered, isang puting white T shirt at ang maong pants ko.
BINABASA MO ANG
ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)
Teen FictionHighest Rank: #1 in Laughtrip "It wasn't her choice, but let's consider it that she's one of the boys" Having a boy best friends is such a contentment for her, not until one of these boys can change everything about her. Her stubbornness turns int...