-36-

1K 34 0
                                    

Sam's POV

Ilang weeks nang naka Confine si Papa.Kasalukuyang naka upo lang ako sa sofa habang naglalaro ng Minecraft ng magsalita si Papa.

"Kamusta na yung Party ng kaibigan mo?" Tanong nya saakin,Itinabi ko ang phone ko bago magsalita.

"Ayun.Nalunod ako" Walang ganang sabi ko.

Kumunot ang noo nyang tumitig saakin.Napabuntong hininga ako.

"Tinulak ako nila Julie sa pool,kaya nalunod ako" Maikling pag kukwento ko sakanya.

"Sino tumulong sayo dun? diba hindi ka marunong lumangoy?"  Nagtatakang sabi ni Papa saakin,isinandal ko ang likuran ko sa Mini sofa at tumingin sa kawalan.

"Oo nga,Pero tinulungan naman nila ako"

"Nila Kenneth?" Tanong nya.

"Nila Ivan" Muling bumalik sa isipan ko kung paano nya ako pilit iahon nun kasama si Jay.

Tumingin ako kay Papa at saktong nakita ko kaagad ang nakakalokong ngiti nya.

"Good."  Mas lalong lumaki ang ngisi nya,Na alala ko tuloy yung huling pinag usapan namin si Ivs pero madali lang rin nailayo ang usapang yun ng dumating sila Mama.

"Bakit ka naman naka ngisi?" Seryosong tanong ko,pero sa totoo lang bumibilis ang pag tibok ng puso ko.

"Nothing..." Iniwas ko na lang ang paningin ko,baka may mabasa pang kung ano itong magaling kong Ama.

Pero mas lalo ko lang nararamdaman ang pag bilis ng tibok ng puso ko!

Sh*t

"Pa." Usal ko.

"Hmm?" Nakangisi syang bumaling saakin.

"Tanong lang."

"Ano?"

"Paano mo nasabing m-may gusto ako sakanya?" Yumuko ako,para di nya makita ang ekspresyon ko.Tang*na Sam anyare sayo?

"Sakin na yunNakangiti nyang sabi,ngumuso ako sakanya bago sya muling magsalita "Naalala mo yung usapan natin nung sinabi mong magkasama si Ivan at yung Julie?" Muling sumagi iyon sa isipan ko dahilan para uminiy muli ang dugo ko sakanila,pero mas pinili ko paring tumango na lang.
"Para kang inagawan ng Nobyo kung umasta noon"

ONE OF THE BOYS (UNEDITEDVERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon