CHAPTER 1
AMETHYST
Black bodycon dress. Check. Black pumps from Dior. Check. Red Chanel purse. Check. High sleek ponytail. Check. Full makeup on with dark vampy lips. Check. Now I'm ready to meet my friends in our favorite hangout place. And to make my entrance even more dramatic, I am driving my red Cadillac on my way there.
Lahat ng tao sa paligid ay nakatingin lang sa akin pagpasok ko sa club. I even see a girl whispers to her friend-- kung ano man ang sinabi niya, malamang ay tungkol sa akin.
"OMG, friend! Is it true?" 'Yan ang bumungad sa'kin pagkarating ko sa VIP area kung nasaan ang aking mga kaibigan na kanina pa naghihintay sa akin.
Tumaas ang aking kilay. "Ang alin?" Tanong ko kahit na alam ko na naman ang sinasabi niya. Umupo ako sa tabi nila.
"Na nakipagbreak ka daw doon sa hot na actor. Ano nga ulit pangalan nun? Marco nga ba?" Pangungulit sa'kin ni Scarlett-- one of my bestfriends. Hindi niya kilala ang lalaking iyon dahil hindi naman mahilig sa pinoy celebrities ang babaeng 'to.
"Guys, chill. Hindi ko naman naging boyfriend 'yon eh. I just dated him and made him for fall me. Para namang hindi niyo pa alam." Sabi ko tapos ay uminom ng isang shot ng vodka.
"Yeah right, knowing our heartbreaker-slash-playgirl bestfriend." Nakasmirk na sabi ni Jaz, ang pinakaclose ko sa aming apat. Inubos niya ang tequila sa harap niya at binalingan ako ng tingin. "Girl. I think you should stop. Pang-ilang lalaki na ba 'yang si Marco sa listahan ng mga sinaktan mo?" Napaisip ako sa tanong niya.
"Third." Sagot ko. Nakita kong kumunot ang kanyang noo.
"Third?" Alam kong hindi siya naniniwala.
"Siya 'yung pang third na Marco ang pangalan." I say nonchalantly.
"Ewan ko sayo!" I see Jaz rolling her eyes.
"Pero 'di nga, bes? Pang-ilan na siya sa mga playboy na pinaasa mo?" Si Venice naman ang nagtanong.
Nag-isip ako at tinignan ko ang mga kamay ko, saka ako umarte na para bang nagbibilang kahit alam ko na naman ang sagot. "27th." They all gasp. Inirapan ko lang sila at uminom naman ngayong Champagne.
"Ay mali. 28th pala. Si Dom pala ang 27th."
"What the fuck, girl." Narinig kong bulong ni Scarlett.
"Are you saying something, Scar?" Binalingan ko siya.
"Grabe ka naman kasi. Kailan ka ba titigil?" Sagot niya.
"You know what, Amethyst. You should stop this, hangga't maaga pa. Baka mamaya balikan ka ng isa sa mga lalaking 'yun. Lagot ka talaga." It is Jazmin this time. Halata naman na nag-aalala talaga siya sa'kin, knowing her.
"Not yet!" Sa totoo lang nag-eenjoy pa kong makipaglaro sa mga womanizer at saktan sila.
"Dakilang sadista 'tong kaibigan natin." Si Venice.
"Stop being a man hater my dear friend. Hindi lahat ng lalaki lolokohin ka lang. May mga matino pa diyan sa paligid. Just try to look around. There are still good-looking, gentleman, and faithful men out there who wouldn't hurt you." Si Jaz.
"Sa panahon ngayon ang mga gwapo, it's either bakla or manloloko. So, wag na lang." Sagot ko sa kanya. No offense sa mga bakla, okay? I love them and I respect them a lot, it's just that sa panahon talaga ngayon ang gugwapo na rin ng mga ito.
"Alam mo girl, dalawang lalaki pa lang naman ang nanloko sa'yo eh. Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganyan ka." Si Jaz ulit. I swear, it feels like Jazmin is the mother of this group.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...