CHAPTER 25
Inayos ko muna ng maigi ang sarili bago muling lumabas ng ladies' room. Luckily my lipstick is not smudged after that make out session. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, malakas na tunog galing sa ingay ng mga speaker ang bumungad sa akin, mabuti na lamang ay walang ibang tao sa labas. Huminga ako ng malalim bago sinimulang bumalik sa mga kaibigan. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang tatlo na lang sila doon, wala na si Jaxon. Siguro ay nakihalubilo na ang binata sa mga kaibigan niya.
"Where have you been? Akala ko nilayasan mo na kami!" Bungad ni Scarlett nang makabalik ako. Umupo akong muli sa tabi ni Venice.
"Sorry, maraming tao." Pagsisinungaling ko, ako nga lang ang nandoon kanina.
"Akala ko magkasama na kayo ni Jaxon eh." Ngumuso si Venice habang ako naman ay natigilan. "Pag-alis mo kasi ay nagpaalam din siya agad na pupuntahan na ang mga kaibigan niya."
Pinilit kong ngumiti. "Bakit naman ganyan naiisip mo, 'di nga kami close nung tao." Venice shrugs. Why does it feel like they are starting to know something? Or maybe I'm just being paranoid because I'm keeping a secret from them. Eh ano ba ang dapat kong gawin, ang ipagsigawan na 'ladies and gentlemen, Architect Jaxon Gonzalez kissed me! I shake my head.
"Huy, ayos ka lang ba?" Napalingon ako kay Scarlett na ngayon ay tinitignan ako na may pagdududa.
"Ahh pasensya na. Naiisip ko kasi ang trabaho. Naalala ko lang din may mga proposals akong kailangan basahin at pag-aralan." Pagsisinungaling ko habang pinipilit na ngumiti. Kung alam niyo lang guys kung ano ang iniisip ko ngayon.
"Bes, stop thinking about work. Oras natin ito para magchill, okay?" Saad ni Jazmin. "Here." Binigay niya ang baso ng Mojito na kinuha ko naman para inumin. She's right, we're here to chill and have fun. Lumingon ako sa paligid at isang pamilyar na pigura ang aking natanaw, sa tabi nito ay isang maganda at sexy na babae. Nang humarap ang lalaki ay nakumpirma kong si Jaxon nga ito, habang ang babae ay namumukhaan ko rin. Inilingkis ng babae ang kanyang braso kay Jaxon kaya naman pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko sa inis. Hindi ba't kasasabi lang niya sa akin na gusto niya ako? Then why is he letting that woman to touch him that way? Nilagok ko ang natitirang laman ng Mojito bago tumayo para pumunta sa kinaroroonan ni Jaxon ng hindi nagpapaalam sa mga kaibigan. Nang makalapit doon ay namili ako kung sino ba sa mga kasama niyang lalaki ang pwedeng landiin ngayong gabi. I pick the tanned guy in a black polo shirt. He has the looks, I'm not gonna lie.
"Hey handsome, mind if I join you?" Saad ko sa mapang-akit na boses. Tila nagulat pa ito ng makita ako, tapos ay ngumiti.
"No. It's my pleasure." I glance at Jaxon who is now staring at me, the woman beside keeps blabbering but he's obviously not listening.
"What's your name?" Tanong ko habang hinihimas ang braso nito.
"Kennedy." Tumaas ang kilay ko sa narinig.
"Oh, I like your name bagay na bagay sa'yo." Ngumisi ito. "By the way, I'm Amethyst, nice to meet you." Inabot ko ang kamay para makipagkamay sa kanya.
"Palagi ka ba dito?" Tanong ko habang hinihimas naman ang kanyang balikat ngayon.
"Yes, every week actually. Palagi nga rin kitang nakikita dito. I want to approach you but you look intimidating." Pag-aamin niya.
"Talaga ba?" Maarte akong tumawa. "I'm nice, you know. Hindi naman ako nangangain." Biro ko na may halo pa ring landi sa tono ng boses. Tumawa siya dahil sa sinabi ko.
"Kung ikaw naman, walang problema kung kainin mo ako." Kung may iniinom lang ako ay malamang naibuga ko na sa mukha niya!
"Ikaw naman, masyado kang straight forward." I chuckle and continue to flirt.
BINABASA MO ANG
Miss Heartbreaker
Romance[COMPLETED] |Romance. ChickLit. Humor| | R-18 | [Some chapters may contain strong language or mature contents that are not suitable for young readers] ||This is written in Tagalog & English|| Amethyst Wilson: A girl boss and a certified heartbreaker...